Napaawang ang aking mga labi nang makita si Eli sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Napuno ng takot at kaba ang aking puso, hindi ko alam kung paano magre-react dito. Sunod kong nilingon si Dad. Nakaupo lang siya habang mataman na nakatitig sa kamay ko na hawak ni Eli.
Nakakunot na ang noo ni Dad nang tumayo.
"Ikaw iyon." ani Dad habang paangat ang kaniyang titig sa mukha ni Eli.
Hindi pinansin ni Eli si Dad bagkus ay hinarap niya ako. "Come on. Doon ka sa CR mag-ayos." aniya at nang hilahin niya ako ng bahagya paalis ay hindi ko naikilos ang aking mga paa habang nakatitig kay Dad. Ipinamulsa ni Dad ang kaniyang magkabilang kamay sa kaniyang pantalon at seryoso niya akong tinitigan. Bahagyang nanginig ang mga tuhod ko sa katotohanan na hindi ko kayang salubungin ang titig ni Dad katulad nang hindi ko kayang suwayin siya. " May problema ba?"
Bahagya akong umiling kagat ang pang-ibaba kong labi.
"Frances. Napag-usapan na natin ito. Don't disappoint me." iyon lang ang sinabi ni Dad at humakbang paalis pero muling lumingon para tignan si Eli na sa akin naman nakatitig. Samantalang kay Dad naman ako nakatitig. "Kung gusto mong dumaan sa bahay mamaya Cloud, sumabay kana kay Frances."
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Eli sa aking kamay. Hindi ko siya kayang lingunin dahil alam ko na mapupuno na naman ako ng katanungan mula sa kaniya.
"Susubukan ko Mr. Chavez." mahina lang na sagot ni Cloud bago kami tinalikuran ni Dad.
"What was that?"
Napapitlag ako sa tanong ni Eli na kahit mahinahon lang ay nararamdaman ko ang lamig sa tono niya.
Umiling ako at pinilit na ngumiti. "Wala--
"Damn." he cut my words with that curse. Hen let go of my hand and looked away while clenching his jaw. He took a deep breath and glared at me.
I'm scared.
Scared of those eyes filled with doubt.
"Don't give me that smile France." he blurted and bit his lower lip maybe to calm himself. To stop himself from talking. Dahil alam ko na may masasabi at masasabi siya. At alam niya rin iyon. "It's pissing me off." buntong-hininga na sabi niya at napahawak sa sandalan ng upuan sa kaniyang gilid. Dahan-dahan niyang tinitigan si Cloud na tahimik lang. I'm praying na sana ay hindi na siya I-provoke pa ni Cloud. Ayoko ng gulo. "Hey. Tell me. Ano'ng kinalaman mo kay France? Sabihin mo. Bago ako maubusan ng pasensiya."
"E-Eli.." sambit ko sa pangalan niya at akmang hahawakan siya sa braso pero iniiwas niya iyon sa akin. Napaamang ako at naibaba ang aking kamay. Ni hindi niya ako tinignan man lang.
"Wala naman iyon. My Dad and her Dad are good friends. Noon pa, kaya naman madalas siyang mag-imbita sa bahay nila. Hindi mo kailangan mag-alala." ani Cloud at tumingin sa akin. "Tama ba?"
Marahan akong tumango lamang.
"Tingin mo naniniwala ako?"
Mabilis akong lumingon sa kaniya.
Humakbang siya papalapit kay Cloud at akmang hahawakan niya sa kwelyo si Cloud nang humarang si Gray.
"Kung ayaw mo na maniwala, walang magagawa si Cloud diyan. Hindi niya obligasiyon na mag-explain sa iyo." seryosong sabi ni Gray at nilingon si Cloud. " Tss. You're such a pain in the ass. Umayos ka ang tanda mo na para makipaglaro ng ganito. Kung may dinaramdam ka, huwag mong ibunton sa ganito. Asshole."
Nasundan lang naming ng tingin ang papalayo na si Gray.
Natawa lang si Cloud at hinarap muli si Eli.