Sa dami ng mga larawan na na-send sa GC namin ng club ay iisang larawan lang ang aking binigyan ng pansin. Ang larawan namin ni France na magkatabi at nakatitig sa isa't isa.
Napabuntong-hininga ako at binitawan ang phone ko sa mesa. Sumandal ako sa kinauupuan ko habang nakatitig kay France sa labas ng AD Café at kausap sina Gray at Cloud. Papasok sila ng Café, kasunod ang ibang club members na may mga pagmamay-ari din dito sa club.
Madalas ko silang nakikita na magkakasama ngayon. Puro meetings sila. And France looks so tired. I hate it. But I can't even tell her that.
I'm doing the right thing.
Napatitig ako sa mukha ni France na nakangiti habang kausap si Neal.
I hope she's fine.
I hope that she's doing good.
Without me...
Who's bringing so much trouble to her.
"Am I doing the right thing?" bulong ko habang nakatitig pa rin kay France.
They took the long table near my table. Doon sila pumwesto at eksaktong ipinaghila siya ng upuan ni Cloud ay napatingin siya sa akin.
Lungkot ang Nakita ko sa kaniyang mga mata bago umiwas ng tingin.
Napaiwas din ako ng tingin at napahigop sa kape ko sa harapan.
Tumayo ako at naglakad palabas ng café nang makasalubong ko si Miggy kasama si Blake.
Didiretso sana ko pero nagsalita bigla si Miggy.
"Dude. Can we talk."
Nilingon ko siya at pinakatitigan. Seryoso ang kaniyang mukha na tila ba hindi siya titigil kung hindi ko siya pagbibigyan.
"What do you want?" I asked.
Humakbang siya papunta sa garden sa harapan ng café. Nang tignan ko si Blake ay ngumiti lang ito at dumiretso sa loob ng café.
Sumunod ako kay Miggy. Nakatayo siya tabi ng bench. Nakatitig sa malayo at nakangiti.
Nababaliw na siya.
Lumapit ako sa kaniya at tumayo sa kaniyang tabi.
Matagal bago siya nagsalita.
"Ang taas ng pride mo." aniya na ikinalingon ko.
Mabilis akong nairita sa kaniyang sinabi.
"Seriously? Why don't you ask yourself why Miguel? "
Mas nairita ako nang tawanan niya ako kaya hindi ako nakapagpigil at kinwelyuhan siya.
"You think this is funny?" gigil ko na tanong at hindi siya pinakawalan. Nakangiti pa rin siya habang nakatitig sa akin.
"Hey. You're really in love. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala." nailing niya na sabi. "At kahit in love ka. Hindi mo pa rin magawang baguhin kung ano ang ugali na mayroon ka."
Marahas ko siyang binitawan at tumingin sa malayo. Pinigilan ko ang sarili ko na huwag siyang bugbugin hanggang sa ma-realize niya ang kaniyang ginawa. But knowing this guy. Paninindigan niya na concern siya sa akin kaya niya ginawa iyon. Ang ikinaiinis ko, minsan kahit alam ko na hindi siya sang-ayon sa mga desisyon ko. Sa akin pa rin siya naniniwala.
"I'm sorry if I did something crazy Eli. Hindi ko napigilan ang aking sarili. Alam ko na iniisip ka lang niya. Gusto lang niyang malaman kung ano ang mga nagpapahirap sa iyo. And she wants to help you. Na kahit papaano ay mabawasan ang dinadala mo.--