5

91 4 0
                                    


Sapo ko ang aking sentido habang nakaupo sa isang outdoor cafe sa loob ng club. Mas tahimik dito at mas makakapag-concentrate ako sa aking ginagawa.

Tsaka walang masyadong guest dito. Hindi ko kayang mag-focus sa ginagawa ko sa loob ng RE Cafe. Marami na rin guest doon kahit maaga pa naman.

Napakaaga pa pero ang dami ng tao sa club.

Napahikab pa ako habang nakatitig sa laptop ko. Inaantok pa rin ako.

Napuyat ako sa party na dinaluhan ko kagabi.

Kina Cloud, at doon ko nakita ulit si Eli. Niyaya ulit akong lumabas. Nagkatitigan ulit kami ng mas malapit.

I sighed and bit my lower lip. And that's the reason why I couldn't sleep last night.

Umagang-umaga pero inaantok pa rin ako.


I was busy typing when someone placed a cup of coffee on the side of my laptop. Naka take-out cup ito at nakapatong ang coffee stirrer sa taas nito.

Pag-angat ko ng tingin ay napaamang ako nang mapagsino ang nagbigay nito.

Nakatayo si Eli sa harapan ko at palipat-lipat ang titig sa akin atsaka sa laptop ko.

Pero ako, titig na titig lang ako sa kaniya. He was wearing a black plain shirt paired with his gray sweat pants. Bumaba ang tingin ko sa suot niyang puting-puting running shoes na tila ba pinakaiingatan niya na huwag madumihan. Muli akong tumitig sa kaniyang mukha na seryoso pa rin na nakatitig sa laptop ko at hindi napapansin man lang ang pagtitig ko ng matagal sa kaniya.

 He always has this smug look on his face. Those astonishing, unreadable, coal-black eyes, makes me feel a little odd when he stares at me. Hindi ko mahulaan kung ano ang nasa isipan niya habang nakatitig ng ganito. Kaya hindi ko talaga kayang makipag tagisan ng titig sa kaniya.

"Busy ah." He muttered without looking at me.

Nakatitig lang siya sa laptop ko.

Nang magtama ang mga titig namin ay doon naman biglang humangin ng malakas at lalo akong naakit na titigan siya dahil sa isinasama ng hangin ang buhok niya na mukhang walang ano man inilagay ngayon dito. Dahil malaya itong isinasama ng hangin. Hindi katulad ng madalas ko na makita sa kaniya.

He isn't in his usual undercut with long textured spiky fringe hair today. Pero kahit naman bagsak ngayon ang buhok niya ay walang nagbago sa kaniyang awra at dating.

At nalalanghap ko ang mabangong amoy niya na naging pamilyar na sa akin dahil sa matagal niyang pagkakadikit kagabi sa akin.

"Coffee. Ayokong inaantok kapa rin hanggang mamayang lunch."

Napaamang ako sa aking narinig. Yeah. Muntik ko ng makalimutan.

"Drink your coffee, before it gets cold."

Napatitig lang ako sa coffee na siya mismo ang nagbigay. Nang muli ko siyang tignan ay isinuksok na niya sa magkabilang tenga ang kaniyang earphones atsaka humakbang paalis pero muli akong nilingon.

"See you later."

Nang dumiretso na siya ay napatitig ako sa ibinigay niyang kape sa akin. Walang ganitong brand ng kape sa loob ng club. Isa ito sa mga sikat na brand ng kape na mabenta ngayon sa bansa.

Lumingon ako pero wala na siya.

Ibig sabihin ba nito ay binili pa niya ito sa labas?

Nang hawakan ko ito ay napangiti ako dahil sa mainit pa talaga ito. Lalo na nang makita ko ang nakasulat doon. Pangalan niya ang nakasulat doon. Pero imbis na mainis ay natuwa pa talaga ako.

T H I S T I M ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon