19

53 4 0
                                    


Eli
Are you busy?


I sighed and stared at my laptop after reading his message. Dahil sa nangyari sa second branch ng hotel ay dito muna ako nag-stay para ma-monitor ito. Iyon ang gusto ni Dad pagkatapos niya akong pagalitan dahil doon.

Nang biglang tumawag si Eli ay sinagot ko ito kaagad at sumandal sa kinauupuan ko.

"Busy?." Iyon ang bungad niya sa kabilang linya.

"Hmmm yeah." Sagot ko at sinapo ang sentido ko. "Baka hindi muna ako makapunta ng club—

"Why?" Putol niya.

"Medyo magiging busy ako nito—

"I miss you France."


Natigilan ako at pumikit habang nakangiti. Kung alam lang niya. Mas miss ko siya.

"Hindi ba pwedeng gawan ng paraan? Magkita lang tayo."


Tumayo ako at naglakad papalapit sa sofa atsaka ko kinuha ang bag ko.

"I just wanna see you." Dagdag niya na lalong nagpangiti sa akin.

"Nasaan ka?" Tanong ko at binuksan ang pintuan ng opisina ko.

"Bumaba kana. Nasa harapan na ako."


Mas lumaki ang mga hakbang ko habang kausap ko siya sa phone. Binilisan ko ang lakad ko nang makalabas ako ng elevator. Paglabas ko ng hotel, doon ko nakita ang pamilyar na sasakyan ni Eli.

Humakbang ako papalapit doon at kaagad binuksan ang pintuan sa front seat.

Tatlong araw? Apat? Lima? Hindi ko alam kung ilang araw kami na hindi nagkita. But one thing is for sure, I know. I missed him so bad . At kahit gaano ako ka-busy ngayon, nagawa ko pa rin iwan ang mga iyon para makita siya.

And I know, it's worth it.

"Hi!" Mahina ko na bati sa kaniya pagkakita ko sa gwapo niyang mukha. Sumilay ang magandang ngiti mula sa kaniyang mga labi nang makita niya ako.

"I missed you.." he murmured.

Tumagos iyon sa aking puso at kaluluwa. Ang ngiti at ang tinig niya na sadyang nagbibigay ng kakaibang tuwa at saya sa akin.

Mabilis akong pumasok sa loob at pagkasarang-pagkasara ng pintuan ay dumungaw ako sa kaniya. I embraced my arms around his neck that made him laughed a little. But I felt his arms around me after.

"Na-miss kita."Malambing ko na wika at hinaplos ang buhok niya. "Sorry. Medyo busy lang."

"Yeah. That is making me upset. But what can I do? It's your...." huminga siya ng malalim. "It's your job."

Inilayo ko ng kaunti ang aking sarili sa kaniya. Nagtagpo ang mga mata namin atsaka parehong napangiti.

"Alam mo ba na stress na stress ako kanina?" Naiiling ko na sabi sa kaniya.

"Why?"

"Because of my job. My Dad. Fyodr." Napalis ang mga ngiti ko sa labi atsaka lumayo sa kaniya. Sumandal, sabay buntong-hininga.

He didn't speak.

Lumingon ako sa kaniya at ngumiti. "You said that when you're with me, you feel at ease. Ganoon din ako sa iyo. Alam mo iyon." I put my hand near my heart. "Sa tuwing kasama at nakikita kita, itong puso ko. Nagwawala man sa kaba, pero sobrang nae-excite pa rin kapag nagsalita kana. Lalo na kapag, ngumiti kana. It feels like I am the luckiest woman in the world. Dahil alam ko, hindi mo basta-basta ipinapakita ang ngiting iyan."

T H I S T I M ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon