Yssa Chavez
Sama ka sa Sunday ah. Nag-set ng lakad natin sina Apple at Sasha. Nainggit sila sa lakad natin last time. Okay!
Magre-reply na sana ako ng pag-sang-ayon sa kaniya nang biglang mag message naman si Eli.
Eli
Sunday.
Napaamang ako at doon ko naalala na may lakad nga pala kami sa Sunday.
Apple Chavez
Frances! See you on Sunday! I miss you!
Pagkatapos ay si Sasha na naman ang nag-message sa messenger.
Sasha Chavez
Sunday. Don't forget. Inaasahan ko na nandoon ka. Darating din sina Kuya Austin ah.
At sunud-sunod na ang mga mensahe na dumating mula sa mga pinsan ko. Nagyayaya talaga sa Linggo para magkasama-sama kami.
Sigurado ako na kapag nag-usap sila ng ganito ay mula umaga hanggang gabi na kami magkakasama. May sleepover na magaganap.
Mga pinsan ko ang tatanda na ng iba mahihilig pa rin sa mga ganito.
Pero inaamin ko na masaya iyon dahil kahit papaano ay nakakapag-relax ako.
Pero...
Iba na kasing usapan ngayon.
May Eli na..
Sa dami ng messages ng mga pinsan ko pero ang pinakamaiksing message sa akin ni Eli ang ni-reply-an ako.
Feeling ko magkakasala ako kapag hindi ako nakapag-reply.
Me
Hmm pasensiya na. May lakad kaming magpipinsan. Okay lang ba na i-cancel na muna?
Ayoko sanang i-send iyon pero gusto ko makita ang magiging reaksiyon niya kung ika-cancel ko ang lakad namin this Sunday. Pero ang totoo nito ay sa kaniya talaga ako sasama. May next time pa naman para sa amin na magpipinsan. Si Eli kasi, hindi ko alam kung hanggang kailan siya magiging ganito sa akin.
Sumandal ako sa kinauupuan ko sa kung saan ako madalas tumambay ngayon sa loob ng club. Hindi ko nakita si Eli kahapon kaya umaasa ako na magpapakita siya ngayon.
Alas-otso na at isang oras na ako na nakatambay dito pero walang Eli na dumadaan man lang.
At napakatagal bago siya makapag-reply sa message ko sa kaniya.
Famous eh no?
Napapitlag ako nang marinig na tumunog ang phone ko at pangalan ni Eli ang nasa screen nito.
Kinuha ko ito at tinitigan muna ng ilang segundo. Pagkabilang ko ng sampu sa isipan ko ay sinagot ko ito.
"Hey—
"I already cancelled my schedules on Sunday."
Napipi ako nang barahin niya ako ng ganoon.
"Nauna naman siguro ang usapan natin bago sa usapan ninyo na magpipinsan?"
Imbis na makaramdam ako ng inis sa kaniyang pananalita ay napangiti pa ako. He's really serious about this Sunday.
Hindi ko alam kung paano ko itatago ang ngiti ko kahit wala naman si Eli sa harapan ko.
"Yeah.." naisagot ko dahil iyon lang ang kayang mamutawi sa mga labi ko ngayon.
"Then let's meet on Sunday." He emphatically said from the other line.
