59

77 5 0
                                    


"Thank you, babe."

Napalingon siya sa akin nang sabihin ko ang mga salitang iyon.

Isinara niya ang pintuan ng kotse at ngumisi sa akin.

"Babe..." he muttered as he walked towards me. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko habang nakatitig siya ng diretso sa akin. Nang makalapit siya ng husto ay pinamulsahan niya ako. "Thank you for what?"

Nagkibit-balikat ako at tumitig sa gate ng bahay namin.

"For coming with me. Dito sa bahay. Alam ko na hindi mo ito gusto—

"It's not that I don't like to be here." He interrupted. "Ayoko lang na magkaroon ng pagkakataon na may mangyari na naman magpapa-stress sa iyo. Ayoko na marinig ng kahit ano'ng salita na hindi sang-ayon sa kung ano man ang mayroon tayo. Baka hindi ako makapagpigil."

Hindi ko naitago sa kaniya ang lungkot na rumehistro sa aking mukha ng marinig ko ang mga iyon. Nakakalungkot isipin na tila ba wala ng paraan para maayos ang gusot sa pagitan niya at ni Dad. Hindi ko gusto ang ganito. Sobra akong naaapektuhan.

Nang haplusin niya ang aking pisngi ay nahapahawak ako doon. Tumingala ako sa kaniya at doon ko nakita ang pagkislap ng kaniyang mga mata.

"I'm sorry for making it all hard for you."

Umiling ako at hinalikan ang kaniyang kamay. "No. I'm fine. I understand. Hindi naman natin pwedeng ipilit lahat kaagad. I can wait."

"I'll talk to him again. Kahit ngayon lang. Kung wala pa rin, wala na akong kailangan pang sabihin sa kaniya o ipagpaalam. I'll marry you. Kahit ayaw pa niya. And I hope that you'll stay with me no matter what. Para kay baby?"

Pasimple ako na ngumiti sabay tango. "Para kay baby."

He smiled at me and embraced his arms around me.

"Can I meet your Dad?"

Iyon ang biglang kumawala sa aking lalamunan pagkatapos. Napahinto siya sa paghaplos ng buhok ko sandali. Naramdaman ko rin ang pagbuntong-hininga niya.

"Pwede naman. Kung iyon ang magpapagaan ng loob mo. Kung iyon ang isang paraan para magkasama na tayo at mapakasalan na kita. Bakit hindi. Kikitain mo lang naman siya."

Napalayo ako sa kaniya at isang malawak na ngiti ang nakapaskil sa aking mga labi.

"REALLY?" I frantically said.

Tumikhim siya at pinamulsahan ako.
" I will just do it for you. Wala ng ibang rason pa."

Para akong lumulutang sa ere na humakbang papalapit sa kaniya at ikinawit ang aking mga braso sa kaniyang leeg. Kaagad rumehistro sa kaniyang mukha ang pag-aalala.

"Hey. Careful..." kalmado niya na suway sa akin. Hinawakan niya ako sa beywang habang yakap ko siya.

"Thank you. Thank you!" Natutuwa ko na sabi at hindi bumitaw sa kaniya.

He caressed my back as he gave a soft kiss on my nose, then I closed my eyes when he kissed my eyes and then my lips.

There is only one happiness in this life, to love and be loved. That's what we believe right? I am so happy and contented that the guy I love is making me feel so special. It feels so right. It feels so nice. Ang gaan-gaan nito sa pakiramdam sa kabila ng mga problema pa rin na alam kong hindi pa ganoon kaayos.

Pero heto siya, pinipilit ayusin ang lahat. And I know that this is not so Eli. Hindi ganito ang Eli na nakilala ko noon. Kahit papaano ay may pagbabago sa kaniya. Ang sarap sa pakiramdam na ginagawa niya ang mga bagay na hindi niya nakasanayan na gawin o wala siyang balak gawin pero dahil mahal niya ako, kinakaya niyang lunukin lahat ng pride na mayroon siya ngayon.

T H I S T I M ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon