34

73 3 0
                                    













"Saan ka pupunta?"

Napahinto ako sa paglabas na sana ng gate magsalita si Dad at naglakad papalapit sa akin.

May inabot siyang envelope sa akin.  Kinuha ko iyon habang nakatitig sa kaniya.

"Aalis ka ng maraming trabaho na naghihintay sa iyo? Kailan ka pa nagpabaya sa trabaho mo?—

"Dad—

"Hindi pa ako tapos magsalita." Seryoso niyang putol sa akin at pinamulsahan ako. "Iyan ba ang natututunan mo sa lalakeng iyon? Balita ko may pagka arogante ang nobyo mo. Masyado ata siyang nadadala sa kasikatan niya. Hindi rin ako sigurado if he's treating you well. For Pete's sake Frances, stop seeing that guy and do your job. Do what I want you to do. Dahil para rin sa iyo iyon."

"Dad. Please, huwag ngayon. I'm in a hurry. Nat is waiting for me outside." Pakiusap ko. Ayoko na mag-away pa kami dahil dito.

"No. You'll stay here. You'll do your job. Nangako ka na tutulong ka sa akin. Don't disappoint me." Yeah. He was threatening me.

Like hell.

"Pagbalik ko Dad." Madiin ko na wika.

"Fine."Kibit-balikat niya na sagot. "Hindi ikaw ang tatanggap ng galit ko Frances. You know what I mean."

Naikuyom ko ang kamao ko nang masundan ng tingin ang direksiyon na tinitigan niya. Fyodr. My brother.

"Dad. How could you do this to me? How could you use my own brother just to get what you want? I couldn't believe this." Naiiling ko na turan habang papalingon sa kaniya.

"Never kang sumuway sa gusto ko noon Frances. Lalo mo lang pinapatunayan na hindi maganda ang idinudulot ng lalakeng iyon sa iyo. Nawawala ka sa sarili mo. Iiwanan mo ang trabaho mo para sa taong iyon?" Napailing siya at tumawa ng pagak. "Malulungkot ang mommy kung nandito man siya. At mas malulungkot siya kung pipiliin mo ang taong iyon kaysa kay Fyodr."

I took a deep breath to at least control my emotion that is about to burst. I glared at him. Nasapo ko ang aking noo habang naiiling. Nang mag-angat ako ng tingin ay tumawa ako ng mahina.

"Ikaw Dad. Tingin mo ba masaya si Mommy sa ginagawa mo? Tingin mo ba okay sa kaniya na itrato mo siya ng ganoon? How could you say those words to me, you're the worst father—

Isang malakas na sampal sa mukha ang lumagapak sa aking pisngi bago ko pa masabi ang lahat ng mga sasabihin ko.

Nasapo ko ang aking pisngi at mabilis na umagos ang luha sa aking mga mata.

Masakit.

Mas masakit dahil ito ang unang pagkakataon na sinaktan ako ni Dad.

Nang tignan ko siya ay namumula ang kaniyang mukha at nakatiim bagang lamang habang nakatitig sa akin. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang nakaduro sa akin.

"Y—You..." madiin niyang sabi atsaka napahawak sa kaniyang sariling dibdib.

Dahang-dahan siyang nauupos habang nakatitig sa akin. Para akong na estatwa sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa kaniya na napapaupo sapo ang sariling dibdib. Doon ako naalarma nang makita siyang nahihirapan sa paghinga.

"DAD!"








Hindi ko kayang pumasok sa loob ng kwarto kung saan nagpapahinga si Dad. Hiyang-hiya ako. It was all my fault. I let my emotions take me. Sumagot ako at sinumbatan siya. Alam ko na may mali siya, pero mali pa rin na sumagot ako ng ganoon. He's still my father. And I owe him my life.

Hindi ako ganoon....

"Bakit hindi ka pumasok?" Tanong ni Nat sa akin na siyang sumama sa akin kaninang dalhin namin sa ospital si Dad dahil eksaktong kadarating niya lang.

T H I S T I M ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon