49

69 4 0
                                    












Pagdating ko kina Damon ay nandoon na ang ibang mga kaibigan at club members para sa pagpaplano ng kasal nila ni Czai. Hindi ganoon kaingay dahil pinag-uusapan pa ang ibang detalye para sa kasal.

Humakbang ako papasok at dumiretso sa tabi ni Nat at Czai.

"Hey. You're late." Ani Czai sa akin bago ako hinalikan sa pisngi. Ganoon din si Nat sa akin.
Nang mapatingin ako sa harapan ko ay tinanguan lamang ako ni Raven. Hanggang ngayon, sa tagal na namin na nagkakasama. Never niya akong nginitian. But that's okay. Sabi nga ni Eli, hindi mo kailangan i-please ang lahat para magustuhan ka lang.

"Pasensiya na. Kanina pa kasing umaga umalis ng bahay si Fyodr. Hindi pa ganoon ka okay yung braso niya. May sling pa siya. Hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan ng batang iyon. Palagi siyang wala. Hapon na wala pa rin siya nang umalis ako ng bahay." Paliwanag ko habang nakatitig kay Czai.

Kakaiba ang glow ng mukha ni Czai habang nakangiti at nakatitig din sa akin. Mas maaliwalas na ang mukha niya ngayon at kumikislap ang mga mga mata niya na tila ba wala siyang problemang iniisip. Alam ko ang pinagdaanan nila ni Damon, at na-amaze talaga ako kung paano nila ito nalampasan. At kung paano siya ipinaglaban ni Damon. Hanggang ngayon.

Hinawakan ko ang kamay ni Czai at hinaplos iyon.

"Hey.. I'm happy for you. Really. You deserve this. Pati ni Damon." I sincerely said.

"Yeah right. So please be happy." Wika din ni Nat. Kumapit si Nat sa braso ako habang nakatitig din kay Czai na naluluha pa.

"Thank you guys. I know you'll be happy too.
I'm always here for you." Malambing niya na sabi sa amin ni Nat.

"So ganoon na nga. Wala pa ba si Eli? Nandito na ang partner niya. Siya wala pa rin. Siya ata ang babae eh."

Napatingin ako kay Damon sa kaniyang tinuran.

"Okay lang ba?" Tanong ni Damon.

"Y—Yeah." Nautal ko na sagot nang makita ko ang pagpasok ni Eli sa pintuan. Nilapitan muna niya sina Miggy at Blake na nakipag-high five sa kaniya. At pagkatapos ay naglakad papalapit kay Damon.

"You're late too." Nakangiting sabi ni Damon at nakipag-high five din sa kaniya. Nang tumingin sa akin si Damon ay para akong naestatwa sa kinauupuan ko. Ang ilang mga nasa loob ay nakapako ang paningin kay Eli.

Parang gusto kong tumakbo papaalis ng lugar na ito nang tumingin si Eli sa akin. Kailan ba kami nagkatitigan ng ganito? Parang ang tagal na rin.

I'm nervous. But excited as well. I don't know why! But my heart keeps on beating hard and fast. Because it's him.

It beats for him.

"Okay lang ba dude?" Tanong ni Damon sa kaniya.

Matagal bago siya sumagot at nakatitig sa akin. Nang iiwas niya ang tingin sa akin ay nagkibit-balikat siya.
"I have no choice. Do I?"

Nadismaya ako sa isinagot niya. Napayuko ako na tila ba nahiya sa kaniyang isinagot. It hurts. At tila ba napilitan lang siya na sumang-ayon.
At nakakairita.

Tumayo ako kaya nasundan ako ng tingin nina Nat at Czai.

"Ihanap ninyo ako ng iba. Iyong hindi sapilitan." Seryoso ko na sabi kay Damon.

Natigilan ang lahat at napatitig sa akin. Nakipagtagisan ako ng titig kay Eli nang magtama ang mga mata namin. He irritates me.

"What do you mean by that? Mukha ba akong napilitan—

T H I S T I M ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon