30

61 3 0
                                    













Busy si Dad sa mga meetings niya kaya hindi pa kami nagkakausap. Pero tinawagan na niya ako tungkol sa kumakalat na balita sa amin ni Eli. Walang itinatago sa mga larawan na nakakalat sa social media. Ang tagpo namin na iyon sa loob ng club kung saan maraming nakasaksi sa mga pangyayari. Hindi maikakaila kung ano'ng relasiyon ang mayroon kami ni Eli. At wala siyang itinanggi ni isa sa mga tanong sa kaniya ng mga reporters na nakakahuli sa kaniya.

Hantaran niyang sinasabi na ako ang kaniyang nobya at hindi niya iyon ikinakaila sa lahat. Kaya wala na akong ibang sinabi. Ilang araw na rin akong sinusundan ng ibang mga reporters pero hindi ako nagbibigay ng aking opiniyon. Dahil iyon ang sinabi ni Eli sa akin. Okay na daw na nagsalita siya. Hindi na nila ako kailangan guluhin pa.

Hindi ko rin pinapansin ang mga tawag o messages ni Dad. Hindi ko kasi gusto na mag-away pa kami  pagdating kay Eli. Ayoko na pinag-aawayan namin iyon dahil nahihirapan ako.

Ayoko ng ganoong usapan. Dahil hindi ko alam kung paano ko iyon iha-handle.

Ayokong isipin na darating ang oras na kailangan ko na mamili. Hindi ko kaya.





Muntik na akong mapasigaw nang maramdaman ko ang mga braso na pumulupot sa aking beywang mula sa aking likuran. Pero nang maamoy ko ang pamilyar na amoy na nanuot kaagad sa aking pang-amoy ay napahawak ako sa mga brasong iyon. Marahan ako na lumingon sa kaniya.

"Good morning.." bulong niya at naramdaman ko ang paghigpit ng kaniyang yakap sa akin.

"Good morning handsome." Bati ko na puno ng paglalambing.

He smiled and I reached for his lips.

He leaned on me until he reached my lips.

Pinakawalan niya ako at inalalayan ako na humarap sa kaniya habang magkadampi ang mga labi namin.

Awtomatikong umakyat ang mga braso ko sa leeg niya at doon ako kumapit habang masuyo ang halik na ipinararamdam niya sa akin.

Nang hapitin niya ako papalapit sa kaniyang katawan ay mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa akin dahilan para mapatingakayad ako at mas mapalapit pa sa kaniya.

Bahagya niyang pinakawalan ang aking mga labi habang nakatitig siya sa akin. Hindi ako bumitaw sa kaniya habang nakangiti akong nakikipagtitigan sa kaniya.

Inipit niya ang buhok ko sa likod ng aking tenga habang nakatitig siya ng diretso sa akin.

"Kumain kana?" He asked in his husky voice as he slowly pushed me on the edge of my table behind me.

Nang mapasandal na ako sa gilid ng mesa at itinukod niya ang kaniyang mga kamay doon. I was cornered by his both arms and height.

Tulad ng parating reaksiyon ng aking puso sa mga ganitong pagkakalapit namin ay hindi ko ma-control ang mabilis at malakas na pagtibok nito. Parang ano man oras ay sasabog ito sa kaba na aking nararamdaman.

Nang hawakan niya ako sa aking beywang at parang papel na iangat hanggang sa mapaupo na ako sa mesa ay walang nagbabago sa pagtibok ng aking puso.

And I know, this feeling.  Ang pakiramdam na ito na tila ba ako ay mauubusan ng hininga ay tanging siya lang ang makakapagbigay ng ganito kasidhing pakiramdam sa akin.

Halos magkapantay na ang aming mga mukha habang nakaupo ako sa mesa at nakayakap ang mga braso ko sa leeg niya.

He smirked and licked his lower lip.

"You're beautiful France." He praised and slowly claimed my lips.

I closed my eyes and accepted his kiss with all my heart. He cupped my face pressing his lips deeper with mine. I pulled him closer as he deepened the kiss like I wanted to hold him forever. My lips gave him an entrance when he tugged the bottom part of it.

T H I S T I M ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon