12

75 4 0
                                        

Eli

At Neal's Birthday.

Lumabi ako matapos mabasa ang reply ni Eli. Uminom ako sa tubig na iniabot ni Zander sa akin.

Nasa isang restaurant kami na puro sea foods ang isine-serve nila. Paborito namin ito ni Zander kaya naman ngayong nagkita ulit kami ay dito kami nagpasya na pumunta. Dito kami madalas dati kasama ang mga pinsan ko. Pero ngayon ay si Kai, Yssa at Sasha ang kasama namin.

"Here.." iniabot din ni Zander sa akin ang isang platito na may hinimay niya na hipon para sa akin.

"Thank you..." magiliw ko na sabi at tinanggal sandali ang gloves ko at nag-reply kay Eli.

Me

Okay. Enjoy. Who's with you?

Kinuha ni Zander ang isang piraso sa hinimay niya na hipon at isinubo sa akin.

"Kape tayo after ah. Busog na busog ako." Suhestiyon ni Sasha atsaka isinubo ang binalatan niya na hipon.

"Sana all may tagahimay.." biro ni Yssa sa akin.

"Nainggit kana naman." Wika ni Kai at inilagay sa plato ni Yssa ang mga hipon na hindi pa nahimay. "Pang-himay mo ako."

Umismid si Yssa at itinulak pabalik kay Kai ang plato. "Pang-himay mo ako. Magpaka-gentleman kana man. Hindi ba Zander?" Tsaka niya nilingon si Zander.

Natawa lang si Zander sabay kamot ng ulo.

Nang mag-reply si Eli ay binasa ko ulit ito kaagad.

Eli

With the band.

Tumaas ang isang kilay ko atsaka nag-reply.

Me

Raven?

"Kailan lakad natin?" Tanong ni Kai habang naghihimay ng hipon na kinakain naman ni Yssa matapos mahimay. "Tss. Maghimay kang mag-isa." Sita niya at inagaw ulit ang kinuha ni Yssa sa kaniyang plato.

"Pag-uusapan pa natin iyan. Dahil busy sina Kuya Austin. Tsaka balita ko medyo busy rin ang Kuya Kairus mo at si Ate Kate tama ba?" I replied and read Eli's message.

Eli

Yeah.

Awtomatikong umikot ang mga mata ko atsaka inilapag sa mesa ang phone ko. Hindi ko talaga feel ang Raven na iyon. Alam ko na mali dahil wala naman siyang ginagawang masama. Bakit si Eli? Naiinis din naman siya kapag may binabanggit akong lalake maliban sa kaniya? So siguro normal lang ito.

Eli

How about you? Nasaan ka?

Iyon ang huling message ni Eli na hindi ko na ni-reply-an. Nawalan ako ng gana.

Kaya nagpaka-busy na lang ako sa pagkain at pakikipagkwentuhan kina Zander.

Hanggang sa magpasya kami na pumunta na sa isang coffee shop malapit sa resto kung saan kami kumain. Kapeng-kape na si Sasha.

Habang nagkukwentuhan ay naka-receive ulit ako ng message mula kay Eli.

Eli

Hey...

Me

Hey...

"So saan tayo? Masarap lumangoy nakaka-miss na iyong mga outing natin before." Ani Yssa at inihilig ang ulo sa akin.

T H I S T I M EMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon