France
I'm sorry. May mga pinapagawa si Dad. Kailangan ko pa na bumyahe papunta sa isang branch. Sorry talaga...Napahinto ako sa pag-aayos ng buhok ko habang binabasa ang mensahe ni France sa akin.
Napalis ang mga ngiti ko sa aking labi habang nakatitig doon.
Sandali akong natahimik at nag-isip kung ano ang dapat kong i-reply doon.
Nadismaya ako. Nananadya ba ang Dad niya? Bakit kung kailan gabi na ay doon pa nito uutusan si France sa mga ganoong bagay? Bukod sa inis ako dahil nasira na ang gabi ko, mas lalo akong naiirita sa Dad niya dahil hindi nito pinagpapahinga si France.
I sighed and started typing my reply.
Me
What branch? Hintayin mo ako sa labas ng hotel. Ihahatid kita.Kinuha ko ang jacket ko at lumabas nga suite habang sinusuot iyon.
France
No. It's okay. Ako na lang late na rin? Matulog ka na lang.Tss. Tingin ba niya makakatulog ako kung alam ko na babyahe siya ng mag-isa. Kahit alas-nuwebe pa lang ng gabi, hindi pa rin mawawala ang pag-aalala sa akin.
Me
Wait for me. Ihahatid kita.Ilang minuto lang ay nasa harapan na ako ng hotel. Nang makita ko na tumatakbo siya papalapit sa kotse ko ay doon pa lang ako lumabas.
Nang makalapit siya ay doon ko nakita ng maayos ang itsura at suot niya.
Damn.
She's beautiful. Wala akong masabi.
She's wearing a beige puff sleeves, off-shoulder dress. At aminado ako, isa ito sa mga rason kung bakit ko siya nagustuhan. Kahit ano'ng suotin niya, kahit hindi iyon nakakaakit ay sadya akong nabibighani sa tuwing nakikita ko siya. I admit, may mga ibang babae na kahit papaano ay naakit ako noon. Pero ngayon, I don't know. Only France excites me everyday. Sa tuwing nakikita ko siya, buong-buo ang araw ko kahit hindi kami magkausap. I wonder if she feels the same way too.
"Sabi ng ako na lang eh."
Iyon ang bungad niya sa akin nang makalapit. Nakasimangot siya pero, ang ganda pa rin niya.
Kaya hindi ko makuhang sumagot. Dahil nakatitig lang ako sa kaniya habang nagsasalita siya at nagrereklamo.
"Late na. You need to sleep and rest. Baka mapuyat kapa. Medyo malayo iyon. Mainip ka sa byahe. Baka magreklamo kapa sa akin—
"Mas magrereklamo ako kapag hindi ka nagpahatid." Putol ko atsaka siya pinamulsahan habang ngingiti-ngiti. "Sigurado ka na ayaw mo akong makasama kahit sa byahe lang? Na-disappoint na ako kasi hindi tayo natuloy. Hahayaan mo ba na mag-isip ako buong gabi dahil nag-aalala ako sa byahe mo?"
Napaamang siya sabay kagat ng kaniyang pang-ibabang labi.
"Sorry..." she mumbled. Napayuko siya habang nilalaro ang hawak niyang phone.
Hinubad ko ang aking jacket dahil alam ko na may kalamigan na rin ang panahon ngayon at maging sa loob ng kotse ko ay ganoon din..
Nang ipatong ko iyon pasuot sa magkabila niyang balikat ay napaangat siya ng tingin sa akin.
How could be this woman so beautiful like this? Her eyes are mesmerizing. Her lips, it feels like I need to kiss her everyday just to make sure that they're mine. Inilapat ko ang aking mga kamay sa kaniyang magkabilang balikat na natatakpan na ngayon ng jacket kong suot. Bumaba iyon sa magkabila niyang kamay hanggang sa maipagsalikop ko na ang mga iyon ng nakatitig kami sa isa't-isa.
