9

78 4 0
                                    

Hindi ko na nagawang dumalaw pa sa club sa mga sumunod na araw. Si Casey ang nandoon at tumatawag lang kapag may mga tanong siya sa akin. Kapag nagkikita kami, sa labas na ng club o sa opisina ko.

Medyo madalas din ang pagpunta ko sa school ni Fyodr dahil sa mga meetings na kailangan ko rin naman malaman. Kinakamusta ko rin si Fyodr sa mga guro niya. And so far, wala naman problema. Hindi katulad noon na kahit nasa klase ay naglalaro ito o natutulog. Kahit papaano ay nagma-mature na rin siguro.

Dahil sa busy ako. Kahit papaano ay hindi ko na iniisip si Eli. Dahil hindi ko naman siya nakikita. I ignored his messages recently. Dahil hindi iyon ang mga nais ko na marinig mula sa kaniya.



Nasa parking lot ako ng kumpanya at naglalakad papunta sa kotse ko para sana makauwi na. At sa bahay na lang pag-aralan ang mga ibinigay ni Dad nang may isang pulang Range Rover ang huminto sa gilid ko kaya napahinto ako sa paglakad.

Bumukas ang pintuan nito sa driver's seat at doon iniluwa nito ang taong iniiwasan ko ng ilang araw na.

Pagkasara ng pintuan ng sasakyan niya ay hinarap niya ako ng may seryosong expression sa mukha.

Mukhang bagong gupit siya pero same hairstyle pa rin. His black stud earring on his right ear made him look cooler than ever. Naka-black jeans siya na pinarisan ng puting shirt lamang na pinatungan ng kulay navy blue hooded jacket. And I could smell his manly scent that I really love the most.

Napailing ako ng bahagya at nagtangkang iwasan siya pero bago pa ako makahakbang ay nahawakan na niya ako sa braso kaya napalingon ulit ako sa kaniya.

"France. Come on."

"Bakit?" Pagtataray ko.

"Let's talk." Seryoso niya na sambit. Kahit seryoso ang titig niya sa akin ay hindi ko maiwasan na makita ang pamumungay sa kaniyang mga mata na tila ba may pagod doon na bahagyang nagpapalambot sa aking puso.

"Para saan?" Medyo huminahon na ang boses ko nang sabihin ko iyon.

Bahagya niyang hinila ang braso ko papalapit atsaka niya ako isinandal sa kaniyang sasakyan.

Kinabahan ako at naigala ang aking paningin sa paligid. Nag-aalala ako na baka may ibang makakita sa amin.

Nang maramdaman ko ang paghagod ng kamay niya sa aking braso papunta sa aking balikat ay napatitig ako sa kaniyang mga mata.

His dark penetrating eyes were all over my face as he leaned more towards me.

Naramdaman ko ang paghaplos ng isang kamay niya sa aking buhok ng marahan.

"That guy." Bulong niya sabay iling. "Who is he to you?"

Napakunot ang noo ko habang iniisip kung sino ang kaniyang tinutukoy.

"Ano ba ang sinasabi mo?"

He took a deep breath and his hand on my shoulder slid down to my waist.

I gasped as he tried to pull me closer to him. Nailapat ko ang aking mga kamay sa kaniyang dibdib habang nanlalambot ang aking mga tuhod dahil sa kaniyang ginagawa.

"I—I dont understand Eli. J—Just let me go."

Ang kamay niya sa buhok ko ay bumaba sa isang kamay ko at hinuli ito. Alam ko na nanlalamig ang buong katawan ko dahil sa kaba ng pagkakalapit namin na ito.

Pero mukhang wala siyang pakialam doon.

"Bakit ka niya hinahawakan?"

Lalong kumunot ang aking noo atsaka sana siya itinutulak ng bahagya pero wala siyang balak na pakawalan ko.

T H I S T I M ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon