Inilapag ni Dad sa mesa sa harapan ko ang kaniyang phone at doon nakita ko ang balita tungkol sa akin. Pati ang Iremia ay nadamay sa nangyari sa akin. Maging ang larawan na sinampal ako ni Raven ay na doon."Sino ang matutuwa riyan? Bakit kailangan na makita ko na kasama ka sa mga ganiyan na isyu? Tinawagan ako ng Dad ni Cloud. Ipinahiya mo ako."
Kahit mahinahon si Dad, alam ko na galit siya. Hindi ko magawang makatitig sa kaniya. Nahihiya ako.
"Kilala mo ba ang lalakeng iyan? Bakit mo hinayaan na masama sa ganiyang isyu at dala mo ang pangalan ng Iremia? Alam mo ba kung ano'ng klaseng tao ang kaniyang ama? Frances ayusin mo ang buhay mo. Sabi ko sa iyo, huwag iyong kung sinu-sino lang. Mamili kana man."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi hahang nag-aangat ng tingin.
"Kailangan ba Frances palagi kitang sabihan sa mga bagay na dapat mong gawin? Sabi ko mag-effort ka kay Cloud. Pero ano'ng ginawa mo? Iba ang binigyan mo ng pansin."
"Dad.."
"Kung anu-ano ang ibinibintang sa iyo sa social media. At bakit mo hinayaan na saktan ka ng babaeng iyan?" Medyo tumaas ang boses niya sabay turo sa mukha ni Raven sa phone niya. "Sinaktan kaba ng mom mo? Hah? Bakit mo hinayaan na saktan ka ng ganiyan para sa lalakeng iyon? Dumapo ba ang kamay ko sa iyo? Bakit mo siya pinabayaan na saktan ka?" Nakita ko ang pagtiim ng bagang niya sabay iling. Namumula ang mga mata ni Dad nang titigan ako. "Your mom treasured you like a gem. Hindi ka niya sinaktan. Because of that guy? How disappointing." Alam ko na naiiyak si Dad dahil sa bigla niyang pagbanggit kay Mommy. Kaya naman nanginig na rin ang aking labi at hindi makapagsalita.
Napalunok ako at pinigil ang pagpatak ng aking mga luha. Pero kahit ano'ng pigil ang gawin ko ay hindi nagpaawat ang mga luha na nagsimulang pumatak sa aking mga mata. Pigil ko ang aking paghikbi at tanging mukha ni Mommy ang nasa isipan ko. Kung nandito ba siya hanggang ngayon ay mararanasan ko pa rin ba ito?
Kung hindi ba siya maagang nawala na-enjoy ko ba ang kabataan ko? Kung hindi ba maagang kinuha si Mommy sa amin mae-enjoy ko ba ang buhay mag-aaral ko at makakasama sa lahat ng mga lakad ng mga pinsan ko? Magkakaroon ba ako ng maraming kaibigan?
Mapipili ko ba o ng puso ko ang taong sasamahan ko ng hindi pumapasok si Dad sa usapan?
Magiging Malaya ba ako sa mga desisyon na gagawin ko sa buhay?
Napaupo si Dad sa harapan ko at huminga ng malalim.
" Hindi ko gusto na mapariwara ang buhay mo Frances. Gusto ko na mapunta ka sa karapat-dapat na tao. And that's Cloud. Kilala ko ang taong iyon. Kilala ko ang pamilya niya. Ilayo mo ang sarili mo sa ganoong sitwasiyon. Kung talagang inirerespeto ka ng lalaking iyon, hindi niya hahayaan na masaktan at masama ka sa mga ganoong isyu. Masisira ka. Maniwala ka."
Nang hawakan niya ang isang kamay ko ay napatitig ako sa kaniya. His eyes were bloodshot from trying not to cry. Nakikita ko ang panginginig ng kaniyang mga labi habang nakatitig sa akin.
" Kailan ba kita ipinahamak sa mga bagay na ipinapagawa ko sa iyo? Sabihin mo?"
I pursed my lips and squirted my eyes. I felt the pain in his voice. Ramdam ko rin ang concern sa kaniyang mga mata. Ang hinagpis sa panginginig ng kaniyang mga labi. At alam ko, ang tanging nasa isipan ni Dad ngayon ay si Mom.
"I want to protect you. Ayoko na may mawala pa sa akin na wala akong ginagawa..." he added. Pinisil niya ang kamay ko at hinaplos ang aking pisngi.
Napahikbi ako nang sabihin niya iyon.
Gusto kong itanong sa kaniya.
What about Fyodr? Hanggang kailan niya itatrato ng ganoon ang kapatid ko? Kung mahalaga talaga sa kaniya ang pamilya, bakit ganoon ang ginagawa niya rito?