35

135 3 0
                                    













Nakatitig lang ako sa larawan namin ni Raven na nagkalat sa social media. Kahit okay na kami ni France, hindi pa rin ito mawala sa isipan ng ibang tao. At nakakairita iyon. Ng dahil sa kanila, hindi ko makita ang mga ngiti na madalas kong makita kay France kapag kasama ko siya.

"Toxic fans." Bulong ko at nag-angat ng paningin. Nakatitig sa akin si Miggy atsaka nag-peace sign.

"Sorry na." Aniya habang ngingiti-ngiti.

Nakakapikon. Wala siyang kaingat-ingat. Alam naman niya ang ikot ng mga pag-iisip ng mga tao.

"Kailan ba naging toxic ang mga fans ng Crimson?" Naiiling na tanong ni Blake pagkatapos humigop ng kape.

Tumawa si Damon. "Simula noong mag-date si Eli at Frances? Well hindi naman kami masiyadong ginulo ng mga fans noong kami ni Czai? I think?"

"Paano pa kapag ako ang nakipag-date?" Nakangisi naman na sabi ni Lee. Napatingin ako sa kaniya. Hinimas niya ang sariling baba at mas ngumisi pa. "They might kill themselves."

Tumawa sina Blake at Damon. Samantalang napailing na lang ako sa kayabangan niya.

"Ang kapal talaga." Natatawang wika ni Miggy kaya naman inismiran ito ni Lee.

"How is Frances? Okay lang ba siya?" Blake asked.

"Okay naman siya. Okay kami." I replied.

I sighed. We're fine. But something's off. I can feel it.

"Totoo?" Nagdududa na sambit ni Miggy.

Ngali-ngali ko siyang sapakin. Siya ang dahilan nito eh. Napakapabaya. Alam na niyang mainit sa mga mata ng fans si France, hindi pa marunong mag-ingat.

"Bugbugin kaya kita? Kasalanan mo ang lahat ng iyon. Kasalanan mo kung bakit pinag-isipan ako ng hindi maganda ni France. Tss." Hindi ko napigilan na angil sa kaniya.

Iniatras niya ang upuan kung saan siya nakaupo. He looked away as if he didn't hear anything.

"Ano? Nagselos talaga kay Raven si Frances"Naitanong ni Blake sa akin.

Natahimik ako bigla. Ang totoo, may parte ng pagkatao ko na natutuwa nang makita ko kung gaano nagseselos si France kay Raven. At Drew. Hindi ko alam kung bakit pati si Drew ay kasama. Pero....

Hindi ko napigilan na mapangiti.

"Ano kaya ang nagpapangiti kay Mr. Alcaraz, sa kabila ng mga isyung kumakalat." Pabiro na dagdag ni Blake na ikinatawa ng mga kasama namin.

Hindi pa rin mawala ang ngiti ko sa aking mga labi nang kuhanin ko ang phone ko sa mesa bago tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Miggy.

"Saan pa? Siyempre kung nasaan ang nagpapangiti sa kaniya!" Bulalas ni Blake na ikinatawa ng malakas ni Lee.

Nang tignan ko siya ay mabilis siyang huminto sa pagtawa. Sumeryoso ang mukha na tumitig sa akin.

Pero sa huli ay muli siyang natawa kasabay na sina Miggy.

"Mga gago." Mura ko sa kanila bago naglakad paalis.

"Kinikilig si Eli! Nakita ninyo mga dude!"

Iyon pa ang narinig ko na sigaw ni Miggy na tila ba rinig ng lahat sa loob ng AD Cafe.

Nang buksan ko ang glass door ng cafe ay siya naman pagpasok sana ni Raven.

Huminto siya sa harapan ko nang makalabas ako ng pintuan.

Tumingin lang ako sa kaniya at naikuyom ko ang aking mga kamao.

This woman...

"Are you still mad at me?" She asked with her voice trembling.

T H I S T I M ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon