"Eli. Hindi ka maghahapunan? Nakahain na."
Tumalikod ako ng higa mula sa pintuan ng aking kwarto sa bahay nina Lola Marie at Lolo Jack. Ang mga magulang ni Mom. Pagkatapos ng nangyari kahapon sa club ay naisipan ko na umuwi muna rito nang matapos ang gig namin. Ayokong ma-stress ng dahil lang doon. Pero sa tuwing magbubukas ako ng phone ay bumabalik sa aking isipan ang mga larawan nina France at ng Zander na iyon.
"Eli.."
"Matutulog na ako La." malamig ko na sagot.
"Kumain ka ba pa ng hapunan sa club? Iyong pasa mo--
"I'm fine. I just wanna rest." putol ko sa sasabihin pa ni Lola. Wala ako sa mood para kumain o makipagkwentuhan. Dahil ang tanging nararamdaman ko ngayon ay inis sa mga lalakeng laging nakadikit ang pangalan kay France. At kung ano man itong nararamdaman kong kirot sa dibdib ko ngayon, alam ko na si France and dahilan nito. Ang pakiramdam ng ganitong kirot ay ang pinakaayaw ko. Para akong nauubusan ng hininga.
I was really disappointed. I thought she was different, but she's just like everyone else. Nagkamali ba ako? Siguro. Baka na-excite lang ako sa mga nakita at narinig ko mula sa kaniya? Baka masyado lang akong nadala sa mga sinasabi niya sa akin? Umasa lang ba ako? Pinaasa lang ba niya ako?
Napabalikwas ako ng bangon at nasapo ang aking sentido. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip. Kahit paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko na niloko niya. Na nagsisinungaling siya sa akin, hindi ko parin magawang alisin sa aking isipan ang mukha niya. Ang mga luha niya na labis na nagpapalambot sa aking damdamin na hindi ko maintindihan.
Napasandal ako sa headboard ng aking kama at isinandal ang ulo ko sa pader habang nakatitig sa phone ko sa paanan ng aking kama. Bumuga ako ng hangin sa ere sabay iling.
"Damn. I miss her. Did we really break up?"
Of course. We broke up. I broke up with her. Kanina lang. Hindi ko gusto ang nakita ko. Kahit sino ang makakakita ng mga larawan na iyon ay maiisip din ang mga naisip ko. Hindi ako tanga. At hindi ko kailangan ng paliwanag na alam kong kasinungalingan lang lahat. Sawa na ako. Sawa na ako sa mga panloloko at kasinungalingan ng mga tao sa akin. My own father betrayed us, and that made a big hole inside my heart. Kaya mas mahirap sa akin na magtiwala. Pero mas may kirot sa mismong puso ko ngayon dahil nagtiwala ako. I trusted her without any hesitation. Kaya ko siyang isama hanggang dulo. Huwag lang niya akong biguin. Pero tingin ko, siya hindi niya kaya. Hindi niya kayang maging tapat sa akin. Hindi niya kayang harapin ang mga simpleng bagay na dadaan pa sa amin. Ayoko ng mahina. Ayoko ng walang paninindigan.
"But still." ipinikit ko ang aking mga mata at ang mukha pa rin niya ang nakapaskil sa aking isipan. Ang mga ngiti niya na nagpapakalma sa akin. "Damn. I'm going nuts. France.." Nababaliw na ako dahil kahit may hinanakit ako sa kaniya, sa tuwing pipikit ako at makikita ang kaniyang mukha.
Kumakalma pa rin ako.
I couldn't help myself. But to think of her. My mind is filled with her laughter, smile and beautiful face.
I miss her.
So bad.
Tatlong araw akong hindi nag-stay sa club. Pumupunta lang ako kapag oras na ng gig. Hindi ko kayang hindi tumugtog. Dahil noon pa man, musika na ang nagpapagaan ng loob ko. Ang nagbibigay kulay sa madilim kong mundo.
Sinubukan ko muna ang hawak kong gitara habang nakatayo na sa stage.
Nang mag-angat ako ng tingin ay paakyat naman ng stage si Miggy.