Halos paliparin ko ang kotse na minamaneho ko papunta sa school ni Fyodr. Late na ako sa event na sinabi niya kailan lang sa akin. Nawala ito sa isip ko . Kasalukuyan kaming nag-aalmusal ni Eli sa club nang maalala ko iyon dahil nag-message din sa akin ang isa sa mga parent ng kaklase niya na nakakasama ko doon.
Hindi kasi ako nakauwi ng bahay kahapon dahil na-late din kami ng uwi ni Eli kaya dumiretso ako kina Pia. Hindi pa rin umuuwi si Dad kaya malaya ako na sumasama kay Eli kahit saan siya magyaya. Madalang lang siyang magyaya kaya pumapayag na ako.
Dahil doon, inaamin ko. Nakaligtaan ko ang araw na ito.
Pagpasok ko ng kotse ko sa loob ng school ay doon ko naman nakita si Fyodr na naglalakad papalabas. Bumaba ako ng kotse at sinalubong siya.
Nang makita niya ako ay dumiretso siya ng lakad. Nilampasan niya ako kaya naman pumihit ako pasunod sa kaniya. Pero ni hindi niya ako pinapansin. Nang hawakan ko siya sa braso ay pumiksi siya at tinabig ang aking kamay.
Nagpatuloy siya sa paghakbang kaya sumunod pa rin ako.
"Fyodr. Halika na, bumalik na tayo sa loob."
"Hindi kana kailangan doon. Tapos na. Huwag ka ng mag-abala." Malamig niya na tugon ngunit hindi pa rin ako nililingon.
"Fyodr. I'm sorry okay. Nakalimutan ko. Busy ako sa hotel. Hindi ko naalala—
"Kahit naman busy ka noon, never mong nakalimutan ang tungkol sa school ko." Putol niya na nagpahinto sa paghakbang ko. Siya man ay huminto at lumingon sa akin. Namumula ang mga mata niya na tila ba malapit nang maiyak.
Napipi ako sa kaniyang tinuran. Alam ko na may punto siya. Ngayon lang ito nangyari.
"Masyado kang busy sa trabaho mo at sa...." tinitigan niya lang ako atsaka huminga ng malalim. Tinalikuran niya ako at pinamulsahan. "Forget it." Aniya at nagpatuloy sa paghakbang. Sumunod pa rin ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa waiting shed kung saan maraming estudyante ang mga nakatambay doon. At halos lahat ng mga kababaihan ay sa akin nakatitig.
Pero hindi ko sila pinansin. Kay Fyodr lang ako naka-focus at wala akong pakialam sa mga sinasabi nila.
"Hey Fyodr. Come on. Sumabay kana sa akin at sa bahay na tayo mag-usap ano kaba." Pangungumbinsi ko sa kaniya habang nakatayo sa kaniyang tabi.
"Kaya kong umuwing mag-isa." Matigas niya na sagot sa akin.
"Fyodr. Baka naman pwede mo kaming pakilala sa ate mo? Baka pwede niya kaming isabay kay Eli tsaka doon sa lalakeng nasa mga pictures?"
"Oo nga naman Fyodr. Baka naman!"
"Miss Frances! Baka naman?"
Nagtawanan ang mga tingin ko ay kasing-edad lamang ni Fyodr na nasa tabi namin matapos sabihin iyon ng iba sa mga kasamahan ng mga ito.
Pati na ang mga kababaihan na nasa paligid ay nagtawanan.
Magsasalita sana ako pero huli na dahil mabilis na nakalapit si Fyodr sa isa sa mga nagsabi ng mga iyon. At sa isang iglap lang ay nasuntok niya ito sa mukha.
"Fyodr!" Tawag ko sa pangalan niya at pilit inilalayo sa mga kalalakihan na kaniyang sinusugod.
"Ano ba ang mali sa sinabi namin? Totoo naman hindi ba? Kalat iyon sa balita kailan lang!"
"Shut-up! Asshole!" Galit na sigaw ni Fyodr atsaka kumawala mula sa aking pagkakahawak. Tuluyan niyang sinugod ang mga ito kahit pilit akong umaawat. Iginala ko ang aking paningin sa paligid pero walang pumapansin sa nangyayari.