Naghintay ako sa loob ng aking kotse habang pinanonood ko lang si Eli na nakaupo pa rin doon at nakatitig lang sa puntod ng kaniyang mom. Paminsan-minsan ay tumitingala siya na tila ba tinatanong ang langit sa kaniyang mga nararamdaman ngayon. Minsan ay iinom siya sa beer na nasa harapan niya at pagkatapos ay muling yuyuko.Nakasandal ako sa inuupuan ko at hindi ko inialis ni isang beses ang titig ko sa kaniya. I can feel the pain that he's going through right now. At labis iyong nagbibigay ng hirap sa aking kalooban.
Madilim na nang tumayo siya mula doon at tinungo ang kaniyang kotse.
Sinundan ko siya ng tingin habang pasuray-suray na naglalakad papalapit doon. Nag-aalala ako sa kaniya kaya hindi ko siya magawang iwanan. He's drunk. At magmamaneho pa siya pauwi.
Binuhay ko ang makina ng kotse ko at tahimik na sumunod sa kotse na lulan si Eli.
Mabagal ang pagmamaneho niya kaya mabagal din ako na nakasunod sa kaniya. Habang tinatahak namin pareho ang daan ay alam ko na papunta ito sa club.
Ilang minuto pa ay huminto ito sa tabi ng daan kaya itinabi ko rin ang aking kotse. Bumaba mula sa kotse si Eli at naglakad papalapit sa gilid ng daan. Doon siya umupo habang sapo ang sariling sentido.
Napaiwas ako ng tingin dahil parang nadudurog ang puso ko habang nakatitig sa kaniya. Kinuha ko ang phone ko at sinubukan siyang tawagan, nakita ko na nakatitig lang siya sa kaniyang phone habang tinatawagan ko siya.
Nang sagutin niya iyon ay wala siyang sinabi. Kaya ako na ang unang nagsalita.
Pigil ang aking pag-iyak....
"N—Nasaan ka?" Kunwari ay tanong ko sa kaniya.
Hindi siya kumibo. Nakita ko na nakatapat pa sa tenga niya ang phone niya.
"Hindi mo ba naiisip na nag-aalala ako sa iyo ng sobra? Hindi mo ba naiisip na palagi akong nag-aalala sa iyo? At ang hirap dahil hindi ko alam kung paano kita tutulungan..." hindi ko napigilan na mapaluha at naitakip sa aking bibig ang palad ko.
"I'm fine. May inaasikaso lang ako—
"Nasaan ka? Pupuntahan kita.." putol ko.
"Kina Lola lang. Hindi mo kailangan mag-alala sa akin . Kaya ko ang sarili ko—
"Gusto ko lang na maging open tayo sa isa't-isa Eli. Gusto ko alam ko kung ano ang pinagdadaanan mo para makatulong ako. Para maintindihan ko."
"I told you. I'm fine. Bakit mo ba pinipilit na may problema?"
Huminga ako ng malalim habang nakatitig sa kaniya mula sa aking kotse.
"Gusto lang kitang samahan sa lahat. I wanna help you–
"Humihingi ba ako ng tulong? At hindi ako nangangailangan ng tulong France. Ng kahit ano'ng tulong mula kanino. Okay lang ako at hindi ako nahihirapan. Huwag ka ng mag-alala sa akin. Pakiusap. Pakiusap, magpapahinga lang ako. And I'll come to you after."
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi sa tigas ng kaniyang puso. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya bukas sa akin. Alam ko iyon. Sinabi ko sa kaniya na kaya kong maghintay hanggang sa kailanganin niya ako. Hanggang sa masabi na niya lahat sa akin ang mga pinagdadaanan niya at nagpapahirap sa kaniya.
Pero nakakapagod. Nakakadurog. Nakakaubos.
Pagod na ang isip at puso ko sa lahat.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/250349738-288-k670742.jpg)