58

71 4 0
                                    











"Tss. I don't trust you anymore."

Iyon ang isinagot ni Kai kay Eli nang mag-usap-usap kami sa loob ng silid kung saan ako naka-confine. Pagkatapos namin magkaayos ni Eli kanina ay ipinatawag ko na ang mga pinsan ko. Maging sina Miggy ay pumasok na rin. Nakapalibot sila sa akin na nakaupo sa kama habang nakatitig sa mukha ni Eli nang sambitin iyon ni Kai.

Kumunot ang noo niya na tila ba hindi nagustuhan ang sinabi ng aking pinsan.

"I don't need your trust or permission. Sinasabi ko lang. I want France beside me. Gusto ko nasa poder ko siya hanggang sa manganak siya. And that's my right." Madiin na sagot niya. Ang titig niya kay Kai ngayon ay may halong iritasiyon.

"Hindi ako natutuwa sa mga nangyari kay Frances simula noong makilala ka niya.—

"Sinabi ko ba na nakakatuwa iyon?" Putol niya sa sasabihin muli ni Kai. "Tingin mo ikinatutuwa ko iyon? Tss.." Nang lingunin niya ako ay umiling ako. Para iparating na huwag nang patulan. Dahil pareho na naman iinit ang mga ulo nila. At ayoko ng ganoon.  Ang gusto ko ay walang tensiyon o galit sa pagitan niya at ng mga pinsan ko.

Nang akmang kukwelyuhan siya ni Kai ay kaagad nakalapit si Kuya Austin. Hinawakan niya sa braso ito atsaka umiling.

"Don't act like that. You said you'll support Frances right? So please, stop this. Kahit ano pa ang gawin mo o sabihin mo. Natin. Wala na tayong magagawa pa. She's pregnant and Eli is here. Para panagutan siya. So there is nothing to worry about." Nakangiting paliwanag ni Kuya Austin. Tinapik niya sa balikat si Kai at hinarap si Eli. "You. You need to treasure her and your baby."


" That's why I'm taking her with me. And you need to take me to her Dad."

Napaamang ako sa sinabing iyon ni Eli. Napatitig ako sa kaniya ng may katanungan sa aking mga mata.

He just looked at me and smiled after. He held my hand and kissed the back of it. "Let me handle it for now okay? I just talk to him. Nang wala ka."

Magsasalita sana ako pero sumabad si Kai.
"Ayaw mong isama si Frances para hindi ka niya mapigilan sa mga nais mong sabihin kay Tito. Knowing you. You'll say anything you want."

"Problema mo?" He asked Kai filled with irritation. Humalukipkip lamang si Kai at umismid. Napailing na lang ako sa ginagawang pagsusungit ni Kai sa kaniya simula kanina.

"Hey Kai, that's enough. Gusto lang niyang maayos ang lahat. Hindi lang para kay Frances, kung hindi para sa magiging pamangkin mo." Singit ni Kuya Austin. Pagkatapos ay tumingin sa kaniya. "Kailan mo balak puntahan si Tito? Ako na ang sasama sa iyo."

"Ngayon na." Diretsong sagot niya kay Kuya Austin. Napaamang ako sa mga desisyon niya ngayon. Hindi na talaga siya magpapaawat.

"Are you sure?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya.

He nodded and squeezed my hand. "Yeah. And please, don't try to stop me now. Hindi mapagbibigyan."

Tumango ako atsaka hinalikan ang kaniyang kamay. "Kausapin mo ng maayos si Dad. Alam mo ang ibig kong sabihin." Makahulugan ko na sabi. Kilala ko siya. Kapag mainit ang ulo niya at napipikon? Wala siyang sinasanto. He's still my Dad. At kapag nagpakasal man kami, magiging ama niya rin ito sa pamamagitan ko. Ayoko ng may hidwaan sa pagitan nila.

"I will. I'll try."

"Eli..."Mahina ko na sambit sa kaniyang pangalan na may halong panenermon.

"I'm not sure. I can't promise you. Kapag hindi ko nagustuhan ang mga sasabihin niya—

"Don't you worry ako ang bahala sa kaniya." Putol ni Kuya Austin sa mga sasabihin pa niya sa akin. Inakbayan siya nito at hinila papalayo sa akin. "Come on. Sasamahan kita kina Frances. I just want to remind you, kakalabas lang ng ospital ni Tito. Respect."

T H I S T I M ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon