Nakatitig ako sa ceiling habang nakahiga sa clinic ng club matapos akong makaramdam ng pagkahilo habang nasa site ako. Mabuti na lang at kasama ko si Cloud at naalalayan ako papunta dito.
"Pwede ka rin magpahinga Miss Chavez." Ani Dustine sa akin na siya mismong nag-check sa akin.
Umupo sa dulo ng kama si Cloud at humalukipkip. "Tama si Dustine. Magpahinga ka rin. Araw-araw ka ng nandito ngayon. Maiintindihan naman ni Gray iyon."
"Kahit naman wala ako dito. Marami pa rin akong kailangan gawin. Hindi lang ito ang hotel na mayroon si Dad." Wika ko at akmang uupo na pero pinigilan ako ni Dustine.
"Magpahinga ka muna okay." Madiin niya na utos.
"Pero may meeting kami ni Gray—
"Okay lang. Ako na ang magsasabi sa kaniya." Putol ni Cloud atsaka na tumayo. "You need to rest for now."
Wala na akong nagawa nang maglakad siya palabas. Eksaktong pagbukas ng pintuan ay ang pagpasok naman ni Eli. Hindi niya pinansin si Cloud. Humakbang kaagad siya papasok at nilagpasan si Cloud.
Nang makalapit siya ay si Dustine muna ang hinarap niya na busy sa pagta-type sa kaniyang phone.
"How is she?" Seryosong tanong niya kay Dustine.
"Okay naman siya. Masyado lang napagod ang girlfriend mo at kailangan niyang magpahinga." Dustine replied and looked at me. "Lalabas ako sandali Miss Chavez."
Tumango ako at tumingin kay Eli. Pagkalabas ni Dustine ay humakbang siya papalapit sa kama atsaka umupo sa tabi ko.
"Hey. Bakit kapa pumunta ng club. Kung masama ang pakiramdam mo?" Tanong niya na nasa tono ang pag-aalala. Hinaplos niya ang noo ko habang inaayos ang buhok ko.
Ngumiti ako at hinawakan ang braso niya. "I'm fine.."
"You're not. Namumutla ka." Seryoso niya na sagot at tinulungan ako na makaupo. "I'll take you to the hospital."
"Okay lang ako. Ano ka ba." Nakangiti ko pa rin na sabi kahit medyo nahihilo pa rin ako.
"But—
Hindi ko napigilan ang aking sarili na umisod papalapit at iniyakap ang aking mga braso sa kaniya. Natigilan lang siya at hinayaan ako.
I closed my eyes calmly. Ramdam ko ang init na nagmumula sa kaniyang katawan at napapagaan nito ang pakiramdam ko.
"Are you sure you're okay?" Mahinahon niya na tanong habang nararamdaman ko ang paglapit niya sa akin atsaka hinaplos ang buhok ko.
Isiniksik ko ang aking sarili sa kaniya at hinigpitan ang aking yakap. " Yeah. Lalo na't nandito ka."
Bahagya siyang lumayo sa akin at hinaplos ang pisngi ko. "Nilalagnat ka.."
"Lagnat lang ito." Natatawa ako sa itsura niya ngayon. I never saw him like this before. Para siyang bata ngayon na puno ng pag-aalala sa kaniyang ekspresiyon sa mukha.
"Do you want to stay at my suite?"
Umiling ako. "Lagot tayo kay Gray."
"Tss. I don't care about him. Doon ka sa suite ko."
Yumakap ulit ako sa kaniya at umiling. "Okay lang ako dito." Tumingala ako sa kaniya at hindi pa rin nawala ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Nang ilayo ko ang sarili ko sa kaniya ay niyukod niya ako at kinintalan ng marahan na halik sa mga labi.