41

93 4 0
                                    

Umupo ako sa gilid ng kama at bahagyang tinapik ang pisngi ni Eli na tulog na tulog pa rin hanggang ngayon. Mag-a-alas diyes na lang. Nakalabas na ako kanina para alamin sa mga staff sa hotel kung paano nalaman ni Eli kung nasaang kwarto ako.

"Nagulat na lang kami ma'am nang bigla siyang pumasok at sumunod sa inyo. Sinundan siya ng mga security natin pero hinarang sila ni Sir Cloud."

Cloud. That guy. Ano naman ang ginagawa niya sa hotel?

Nanunudyo ang mga titig sa akin ng mga empleyado habang kausap ako. Nakakahiya dahil halata naman na sa room ko natulog si Eli.



So he followed me here?

Napangiti lang ako nang maalala iyon. Imbis na tapikin pang muli ang kaniyang pisngi ay hinaplos ko iyon . Tracing his cheek and nose with my finger. Nakadapa siya ng higa pero nakahantad pa rin sa akin ang kaniyang mukha na aking kinababaliwan. Kalahati lang ng kaniyang katawan ag nakatakip ng kumot kaya kitang-kita rin ang kaniyang matipunong likod at mga balikat. Wala na siyang suot na pang-itaas pagmulat ko kanina.

Well, hindi naman ako hubad kaya wala naman siguro kaming ginawa, o nagawa o siyang ginawa?

Nag-init ang mukha ko sa aking naisip.

Tatayo na sana ako nang hawakan niya ako sa aking braso. Napatitig ako sa kaniya habang hinihila niya ako papalapit. Nakapikit pa rin siya pero mukhang gising na.

"Eli. Tumayo kana riyan at--

Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang mas hinapit niya ako papalapit sa kaniya at ang resulta nito ay bumagsak ako sa kaniyang mga bisig. Magkaharap kami na nakahiga habang nakaunan ang aking ulo sa kaniyang braso.

Namumungay ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. What a beautiful way to start my day. Seeing him beside me like this every morning will surely make my day.

"Good morning gorgeous." malambing niya na bati sa akin na ikinainit ng aking mukha Lalo nang ngumisi siya habang nilalaro ng kaniyang mga daliri ang buhok ko sa aking likuran.

He smelled my hair then planted a soft kiss on my lips.

"I love your smell France." he whispered and embraced me tighter.

Hindi ako makapagsalita. Para akong lumulutang sa ere habang yakap-yakap niya ako.

Masaya at masarap ang ganitong pakiramdam. Iyong tipong ayoko nang mag-isip pa ng kung anu-ano? Sa mga ganitong pagkakataon, gusto ko munang huminto ang oras para makasama ko siya ng mas matagal. Iyong kaming dalawa lang at walang ibang inaalala katulad ng kaniyang sinasabi?

Pero ang katotohanan na hindi ako maaaring maging makasarili dahil sa alam ko sa aking sarili na hindi ko pwedeng takbuhan ang mga responsibilidad ko kina Fyodr at Dad.

Kung pwede lang, bakit hindi?

Dahil sa tuwing kasama ko siya? Lahat ng mga aking mga pag-aalala ay nawawala.

Nang tumayo na ako ay hawak pa rin niya ang aking kamay kaya napilitan siya na tumayo na rin. Hinila ko ang damit niya na nasa paanan ng kama at iniabot sa kaniya ito.

Nakangisi siya habang kinukuha iyon mula sa akin. Nang bahagya niya akong pakawalan para isuot ang kaniyang damit ay nakakailan hakbang pa lang ako ay nahawakan na niya ulit ako sa braso. He pulled me closer to him.

Napaangat ako ng tingin sa kaniya habang nakayukod naman siya para Makita ang aking mukha.

" Makikipagkita ka ba kay Cloud?"

Mahina lang ang pagkakasabi niya pero mababanaag ang pagkadismaya sa kaniyang boses.

" Ikakasal ka nga ba sa kaniya? Pumayag ka ba? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit hinayaan mo ako na magmukhang tanga sa harapan niya--

T H I S T I M ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon