8

85 5 0
                                    

Ayoko na talagang manood ng gig. Dahil naiinis pa ako kay Eli. Pero ayaw magpaawat nina Yssa at Pia kaya wala na akong nagawa. Maging sina Kuya Austin ay nag-e-enjoy pa. Kaya naman umabot kami ng gabi.

Nagpalit lang kami ng suot bago pumunta ng RE Bar.

Dalawang kulay lang ang pang-itaas na suot namin. Puti at itim ay may prints lang sa harap. Naka-puting loose shirt ako na naka-tucked in lang sa harapan at faded blue cut-off shorts lang ako. Nakalugay ang buhok ko atsaka ako nagsuot ng black bucket hat. Kaming dalawa ni Yssa ang naka-shorts kaya naman pinag-iinitan kami nina Kuya Kairus.

"Pwede naman nag-jeans na lang kayo." Seryosong sabi ni Kuya Kairus habang papasok kami ng RE Bar at nakitang pinagtitinginan kami ng ibang club members pati na ang ilang guests.

Tulad ng sabi ko. Walang panget sa amin magpipinsan.

Si Fyodr at Preston ay nauna ng umuwi dahil hindi pa sila pwedeng pumasok sa loob ng RE Bar. Fyodr is just sixteen. Si Preston ay seventeen naman.

Maging ang ilang kababaihan na nadadaanan namin ay napapalingon kina Kuya Sieg habang nagtatawanan habang nagkukuwento si Kuya Austin.

Pumwesto kami sa harapan sa may bandang gilid lang. Sa tabi ni Kai ako umupo. Nakagitna ako kay Kai at Yssa.

Sina Kuya Austin ay bumili ng maiinom namin habang naghihintay na magsimula ang pagtugtog ng Crimson.

Hindi na mapakali sina Yssa at Pia habang naghihintay.

Ako naman ay nagti-text kay Fyodr at kinakamusta ito.

Nang biglang mag-message si Eli sa akin.

Eli

Still in the club?

Umirap lang ako at hindi iyon pinansin.

Sabi ko walang magti-text dahil iignorahin ko lang iyon.

Ibinulsa ko ang phone ko at nakipagkwentuhan kina Yssa.

Panay ang sulyap ko sa stage pero wala pa rin ang Crimson Band. Dapat nagsisimula na sila ah?

"May problema ata?" Tanong ni Pia at nakatitig sa stage.

Lumabas sina Miggy at Blake kasunod si Lee. Wala pa si Damon dahil naka ban pa ata ito. Iyon ang naririnig ko sa mga usap-usapan.

Hinintay ko na lumabas ang kasunod ni Lee pero wala na akong nakitang kasunod nito sa paglabas.

"Nasaan si Eli?" Nagtatakang tanong ni Apple atsaka tumayo. Para silipin din ang mga lumalabas ng back stage.

"Wala nga si Eli." Sabi ni Syd atsaka tumayo na rin.

"Kulang sila? Sino'ng wala?" Nagtatakang tanong din ni Kai.

Nilingon siya ni Yssa at ngumisi. "Their vocalist. Iyong mas gwapo sa iyo?"

"Tss. Wala naman gwapo doon sa poster na nakadikit sa kwarto mo ah." Panunuya ni Kai at iniwasan ang cap ni Kuya Sieg na inagawa lang ni Yssa.

"Shut-up. Ang yabang mo." Irap na wika ni Yssa at muling tumingin sa harapan.

"Baka may sakit?" Hula naman ni Kuya Austin tsaka tumawa.

"Oo nga. Baka walang boses?" Sang-ayon naman ni Kuya Sieg.

Hindi. Okay naman siya kaninang umaga.

Kinuha ko ang phone ko nang marinig ko na tumunog ito.

Eli

Hindi kita makita.

I rolled my eyes and bored my eyes on the stage. He's not coming out. What's his problem? May time talaga siyang mag-text samantalang hinahanap na siya?

T H I S T I M ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon