"You're happy. I bet."
Ngumiti ako kay Zander at tumango. Nakipagkita na rin ako sa kaniya nang kaming dalawa lamang. I told Eli about this. Pumayag naman siya at sinabi na susunduin niya ako pagkatapos. Hindi ako pumayag dahil may sling pa ang braso niya at ayoko siyang mag-drive na mag-isa lang.
Nakatitig lang siya sa akin at nakikita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Hindi ko siya kayang titigan ng ganoon.
"Okay ba tayo Ces?"
"Yeah. We're good--
"I'm sorry."
Hindi ko na alam ang susunod na dapat kong sabihin sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko na sabihin.
He smiled at me. But I still saw the bitterness of that smile.
"I'm sorry if I ruin our friendship. I'm just trying to be true about my feelings for you. Ayokong magsinungalin sa iyo. Sorry."
"I understand. Sana maintindihan mo rin kung bakit kailangan ko rin umiwas. Sorry." malungkot ko na tugon habang nakatitig din sa kaniya.
He took a nod. "Naiintindihan ako. Just take good care of yourself. Your heart. I'm always here for you."
"Ikaw din. Kung kailangan mo ng kausap, nandito pa rin ako para sa iyo. Makakahanap kapa--
"Don't say that." he cut my words. "Wala kang katulad Ces. Nag-iisa ka lang."
I bit my lower lip. I don't want us to be like this. He's such a good friend to me. He never left me. Palagi siyang nasa tabi ko kapag kailangan ko ng kausap noon. Hindi ko rin matanggap na nasasaktan ko siya. But I have to do this. Kailangan ko rin magpakatotoo sa nararamdaman ko.
He stared at my hand on the top of the table. Alangan pa siya nang hawakan niya iyon. I let him do that. He squeezed it while smiling at me. His eyes turned red, maybe from trying not to cry. Napalunok din ako nang maramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay.
"I love you, Ces."
"Zander..."
"I just really love you. Kung nasabi ko ba kaagad iyon sa iyo. May tiyansa ba ako?"
I sighed as shook my head. "Hindi ko alam. Hindi ko kayang sagutin ang ganoong tanong Zander. Kung may tiyansa man, hindi ba dapat nangyari na iyon bago pa dumating si Eli? I'm sorry.."
Sunud-sunod ang ginawa niyang pagtango. "Yeah. Siguro nga. Malas ko lang."
"Sorry.." wala akong ibang alam sabihin para gumaan ang loob niya. Siya lang naman ang taong nanatili sa tabi ko hanggang ngayon. Pero sinaktan ko lamang siya. At alam ko na walang salita ang makakagaan ng kaniyang nararamdaman ngayon. But I know, time will come he can get over with it.
Paglabas naming ng coffee shop ay nagulat ako nang Makita ko si Eli na nakatayo sa tabi ng kotse ko. Naka-earphones siya habang nakatitig sa akin ng diretso habang naglalakad kami papalapit ni Zander sa direksiyon niya.
"Mauna na ako.." mahinang paalam sa akin ni Zander.
Tinignan ko ito atsaka tumango. Sinulyapan pa nito si Eli bago ako muling nilingon.
Hinaplos nito ang pisngi ko na ikinabahal ko. Nasa harapan lamang naming si Eli at baka..
"Take care. Always. Call me if you need me."
Nang tignan ko si Eli ay nakatitig pa rin siya sa akin. Tumango lamang siya atsaka umiwas na ng tingin.
"Sige na. Mag-iingat kayo."
Tinanguan ko lang ako nang alisin na ni Zander ang kamay niya sa pisngi ko. Humakbang ako papalapit kay Eli.
Doon pa lang niya ako tinignan.