Sa isang beach front resto kami nagpasya na kumain ng lunch ni Eli. Kaya mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko pa rin ang malawak at asul na karagatan. It's just amazing and relaxing.
"You're having fun, right?"
Napalingon ako kay Eli na nakabalik na pala galing restroom. Medyo tuyo na ang buhok niya pero gwapong-gwapo pa rin siya. Medyo mahangin sa pwesto namin dahil open air ito kaya ramdam pa rin ang atmosphere sa labas mula rito. Kasing-ganda ng tanawin at ihip ng hangin ang aking pakiramdam ngayon.
"Aren't you?"
Napaawang ang bibig ko dahil feeling ko nahuli niya ako na nakatitig ng matagal sa kaniya.
"I am." Nahihiya ko na sambit atsaka umiwas na ng tingin. Doon ko nakita kung paano siya titigan ng mga kababaihan sa paligid. May mga lumapit at nakipag-selfie sa kaniya. Autograph, bumati. At halos lahat ng mga iyon ay binigyan ako ng matatalas na titig.
Kumain na lang ako habang ine-entertain niya kahit papaano ang mga lumalapit na kababaihan sa kaniya. Kapag sumusulyap ako sa kaniya ay kitang-kita ko na medyo kumukunot na ang noo niya. Dahil sa tuwing susubo na siya ay may lalapit na naman.
Nangalumbaba ako habang pinagmamasdan siya na nauubusan na ng pasensiya.
Nais ko na matawa dahil tila ba wala siyang ibang choice kung hindi tiisin ang lahat.
At ni hindi niya nagagalaw ang pagkain.
Tinawag ko ang isa sa mga waiter at nagpa-take out ng ilan sa menu nila.
Sa huli ay hindi man lang siya nakakain ng maayos.
Nang palabas na kami ng resto ay may dala-dala siya na bottled water at inubos ang laman nito.
"Hindi ka man lang nakakain ng maayos." Mahina ko na wika.
"It's fine. Sanay na ako." Buntong-hininga niya na sagot.
"Balik muna tayo sa guest house." Aya ko. And this time, ako naman ang humawak sa kamay niya atsaka siya hinila papalayo sa nakaka-toxic na lugar na iyon dahil sa mga kababaihan na inantala ang lunch namin.
Pagdating namin sa guest house ay wala pa rin ang ibang kasama namin. Mukhang busy pa sa paglangoy o baka naman kumakain pa rin.
Umupo sa sofa si Eli at doon ko pinakawalan ang kamay niya.
Naramdaman ko ang pagsunod niya ng tingin sa akin nang iwanan ko siya sandali. Pagbalik ko ay may dala na akong mga plato, kutsara at tinidor.
Inilapag ko iyon sa mesa at inilagay sa mga plato ang ulam na pina- take out ko kanina.
Nang umupo ako sa tabi niya ay inabot ko sa kaniya ang kutsara at tinidor.
Tinanggap niya iyon at napatitig sa akin.
"Hindi ka naman nakakain ng maayos kanina. Ni hindi mo nagalaw iyong food mo." Wika ko at iiwas sana ng tingin nang ngumiti siya ng bahagya. My heart thumped faster and louder. Sa tuwing ngingiti siya ng ganito. Para akong lumulutang sa ulap. His smile, it melts my heart.
"Thanks.." maiksi niyang pasasalamat. But it means a lot to me. You know.
Nang magsimula siyang kumain ay tatayo sana ako para lumabas sandali pero hinawakan niya ako sa braso.
"Stay here." He mumbled.
Napabalik ako ng upo sa tabi niya at napangiti.
Feeling ko nagmumukha ako na isang teenager na kinikilig dahil sa mga pasimple niyang gawain. Oh my.
Napatitig ako sa mga hipon na hindi nagagalaw. Kaya kinuha ko iyon at naghimay atsaka ko kinain. Masarap kasi. I love sea foods.
Humarap ako sa kaniya at inilapit sa bibig niya ang hipon na nahimay ko.