56

81 4 0
                                    













Lahat at ng sermon ay narinig ko sa mga kapatid ni Dad nang mabalik ako. Pagpasok ko pa lang ng silid ni Dad ay iyon na ang dinatnan ko. Nanatili akong matatag habang nandoon at nilapitan si Dad. Hindi ko hinayaan na umiyak ako sa harapan nila. Hanggang sa isa-isa silang nagsilabas para hayaan kaming mag-usap ni Dad.

Hawak ko ang kamay ni Dad habang pigil ko ang aking mga luha na nakatitig sa kaniya.

"Where have you been?" Iyon ang halos pabulong na tanong niya sa akin.

Humigpit ang hawak ko sa kamay niya at pigil pa rin ako sa pag-iyak.

"I–I'm sorry." My voice trembled from trying not to cry. Dinala ko sa aking mga labi ang kaniyang kamay. "I'm sorry..."

"Are you alright? Namumutla ka.."

Tumango ako ng paulit-ulit sa kaniya. "Magpagaling ka. Fyodr will get mad at me. I'm sorry." Hindi ko na napigilan ang aking sarili na yakapin siya at umiyak sa kaniyang dibdib. "I'm sorry for disobeying you. But please, don't ask me to stay away from him. I love him Dad. I can't lose him, like you don't want to lose me. Please.." pagmamakaawa ko. Yakap-yakap ko siya at patuloy sa pag-agos ang aking mga luha.

"I just want the best for you."

"I know. But I'm at my best when I'm with him.  So please, let me stay with him."

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Dad. Ipinikit ko ang aking mga mata. Hinayaan ko na patuloy na umagos ang aking mga luha. Habang yakap ko si Dad ay mukha ni Eli ang nasa isipan ko. I hurt him again. Sinaktan ko ang kaniyang damdamin.

"Let's not talk about it for now." Bulong niya at ramdam ko ang mabibigat na hininga na kaniyang pinakawalan.

Pagkatapos kong mabasa ang mga mensahe nina Miggy sa kaniya ay hindi ko napigilan ang aking sarili na magalit sa kaniya. Hindi ko lubos maisip na binalak niyang itago ang lahat sa akin. For God's sake, si Dad ang pinag-uusapan dito. At hindi ko kayang balewalain ang taong isa sa dahilan kung bakit nandito ako ngayon sa mundo. May hinanakit man ako sa kaniya ay hindi maiaalis ang katotohanan na siya ang ama ko.

Marami akong masasakit na bagay na nasabi kay Eli kanina. Alam ko iyon. Dahil iyon sa galit at pag-aalala ko kay Dad. Hindi ko iyon sinasadya. Pero huli na para bawiin ko iyon. Dahil kitang-kita ko sa kaniyang mukha kung paano ko siya nasaktan. I'm such a fool to say those words to him. Na alam kong parang matatalim na bagay na ako mismo ang bumaon sa kaniyang dibdib. At hindi ko alam kung paano ko pa iyon maitatama.
















Paglabas ko ng silid na iyon ay doon ko nakita si Kuya Austin kasama sina Kai. Ang mga luha ko ay walang patid sa pag-agos nang magkatitigan kami ni Kuya Austin. Umiiyak si Yssah habang nakayakap kay Kuya Sieg. Sina Pia at Apple ay mangiyak-ngiyak din habang nakatitig sa akin.

"Pinag-alala mo kaming lahat.." naiiling na sabi ni Kuya Kairus sa akin.

Inilang hakbang ko lang ang pagitan sa amin ni Kuya Austin at yumakap ng mahigpit sa kaniya.

Niyakap niya ako at hinagud-hagod ang aking likuran.

"Hey. Tahan na." Pagpapatahan niya sa akin habang yakap-yakap ako. Lumapit si Yssah sa amin na umiiyak.

"You..." garalgal ang tinig niya na may halong panunumbat at yumakap din sa akin.

Doon din lumapit sina Pia, Apple at Sasha.

"Gaga ka!" Umiiyak din na singhal sa akin ni Pia pero yumakap din sa amin.

Iyak at may halong sermon ang natanggap ko sa kanila pero kahit paano ay nakaramdam ako ng kaginhawaan. Bago ako umalis ng isla. Pakiramdam ko ay kailangan kong harapin ng mag-isa ang dadatnan ko dito. Eli isn't with me right now. At hindi ako sigurado kung magkakasama pa Kami. Pero nakalimutan ko na may mga pinsan ako na hindi ako papabayaan. Na handa akong suportahan sa lahat ng bagay kahit may halong sermon ang pagsuporta nila.

T H I S T I M ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon