38

86 3 0
                                    













Hindi ko alam pero sa mismong bahay namin ako umuwi pagkatapos ng nangyari sa amin ni France.

Pagpasok ko ng bahay ay nakasalubong ko si Warren at nang akmang magsasalita siya ay nilampasan ko lamang siya. Lutang na lutang ang isipan ko sa usapan namin ni France kanina. Manhid na manhid ang isip ko at tila ba ayaw mawala ng mga iyon.

Nang si Helena ang makasalubong ko ay hindi ko rin siya pinansin.

At ng si Dad ang nakasalubong ko ay napahinto ako sa paghakbang papunta sa hagdanan.

Nang ngumiti siya sa akin ay parang may kirot akong naramdaman sa aking puso.

Kirot, dahil sa ngiting iyon. Na matagal na niyang hindi naipapakita sa akin.

"Mabuti naman at umuwi ka dito sa bahay. Palagi kitang hinihintay."

Mahina ang pagkakasabi niya pero tagos iyon sa puso ko. Hindi ko alam pero parang may parte ng puso ko na sagutin siya. Na sabihin na gusto kong magpahinga dahil matagal na pala akong pagod? Pero ayoko lang isuko lahat dahil alam ko na tama ako? Gusto ko rin sabihin sa kaniya na bitawan niya sina Helena at uuwi ako sa kaniya. Na mapapatawad ko siya kapag ginawa niya iyon. Pero natatakot pala ako. Natatakot pala ako na muli niyang i-reject ako. Ako na anak niya...

Nang hawakan niya ako sa balikat ay hinayaan ko siya.

"You look tired son. Magpahinga ka muna. Kung may kailangan ka. Tawagin mo lang ako. Ako ang tawagin mo."

Nang maramdaman ko ang pag-init ng buong mukha ko at sulok ng mga mata ko ay umiwas na ako ng tingin. Pinalis ko ang kamay niya sa balikat ko.

"I'm fine. Doon lang ako sa kwarto ko." Mapait ko na wika atsaka na humakbang paakyat ng hagdanan.

Pagpasok ko ng kwarto ko ay ini-lock ko kaagad iyon at dumiretso sa harapan ng malaking kwadro na nakadikit sa pader. Larawan namin nina mom and dad.

Huminga ako ng malalim habang nakatitig sa mukha ni mom.

"Tell me now. Tell me what to do mom."
Madiin ko na tanong sa larawan ni mom. Nakangiti lang siya sa larawan. Bakas sa kaniyang mukha ang tuwa at ang mukha niya na puno ng pagmamahal.

She once told me that my father should be my best friend. Siya dapat ang ituring ko na matalik na kaibigan dahil mas maiintindihan niya ako. Naniwala ako sa sinabi ni Mom. Kaya mas masakit siya ngayon. Mas masakit na ang itinuring kong matalik na kaibigan ay pinagtaksilan kami.

Naitikom ko ang mga kamao ko habang nakatiim-bagang.

Wala akong ibang gustong makita at masabihan ng mga nararamdaman ko ngayon kung hindi si mom. Siya lang. Alam ko na maipapaliwanag niya sa akin ang lahat. Kung ano ang mga dapat at hindi ko dapat gawin.

Dahil kay Dad, ang mga dapat lang na gawin ang sinabi niya sa akin. Iyon lang ang mga natandaan ko. At hindi ko na alam kung ano pa ba ang mga hindi ko dapat gawin. Naniniwala ako palagi sa bawat sinasabi at ginagawa ko ay tama ako. At pinaninindigan ko ito.


Ang sa amin ni France? Gusto kong ituloy. Gustung-gusto ko. Sinabi ko sa kaniya na hindi ko siya bibitawan kahit pareho pa kaming masaktan. Pero hindi pala ganoon kadali iyon.

Nang marinig ko ang sakit ng pag-iyak niya noong kaarawan ni Mom, sobrang bigat ng ganoon sa puso. Hindi ko matanggap na nasasaktan ko siya ng ganoon.

Hindi ko alam kung ano ang nakakapagod. Pero pinipilit ko na intindihin siya. Naisip ko na siguro nga. Siguro nga mahirap akong pakisamahan.

I love her. And I don't wanna see her crying because of me. Akala ko pwedeng ipilit kahit masakit na.

T H I S T I M ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon