Hindi ako nakasama sa imbitasiyon ni Eli kasama ang kaniyang mga pinsan. Ang binabalak ko rin na manood ng gig nila nang gabing iyon dahil alam ko na nandoon si Drew ay hindi ko na rin nagawa.At simula rin ng gabing iyon ay hindi na ako umalis sa tabi ni Fyodr sa loob ng silid kung saan siya nagpapahinga ngayon.
Isinugod sa ospital si Fyodr matapos siyang maaksidente pauwi. Ang kwento ay biglaan lang daw siyang lumipat ng daan ng walang pakialam kung may dumadaan man na mga sasakyan. Naiwasan siya ng isang kotse pero hindi ang kasunod nito.
Nakatitig lang ako sa mukha niya na may iilang pasa. May sling ang isang braso niya at may benda rin sa kaniyng noo dahil sa may sugat siya na natamo doon.
Halos himatayin ako nang makita ko siyang duguan na nakahiga sa kama pagdating ko ng ospital. Mag-isa akong nagmaneho nang gabing iyon at muntik ko na rin ikinaaksidente.
Takot na takot ako hanggang ngayon. Hindi ko magawang umalis sa kaniyang tabi.
Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at dinala sa aking mga labi ang kaniyang kamay.
Pangatlong araw na namin dito at kanina lang siya talaga nakausap ng maayos. I'm still thankful dahil nakakausap na namin siya ng maayos. Pero wala siyang kibo sa akin. Panay lang ang tango at iling niya sa akin. Mas kinakausap pa niya sina kuya Austin at Kuya Sieg.
"Magpahinga ka muna kaya at matulog Frances? Ilang araw ka ng walang tulog. Kami na muna ang bahala kay Fyodr." Suhestiyon ni Kuya Austin at hinaplos ang aking buhok.
"Yeah. Kailangan mo rin magpahinga at matulog. I think he's fine now." Sang-ayon ni Kuya Sieg na nakaupo at nakatitig din sa akin.
"Come on. Ihahatid na kita." Kai volunteered as he rose from his seat.
Doon bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Zander.
Natahimik ang lahat maging ako. Nakita ko kung paano huminga ng malalim si Zander at ngumiti sa akin.
"Ako na muna ang bahala sa kaniya." Aniya atsaka tumingin kina Kai.
Nagkibit-balikat si Kai at bumalik sa kinauupuan.
"Okay lang ba?" Tanong niya sa akin.
Tumingin ako kina kuya Austin. Ngumiti lang sila sa akin at tumango.
Tumayo ako pagkatapos ko na kuhanin ang bag ko. Humakbang ako papalapit sa pintuan na binuksan ni Zander para makadaan ako.
Pagkasara ng pintuan ay magkasabay kami na naglakad. Tahimik lang ako.
Hanggang sa makarating kami ng parking lot. He opened the door for me. Siya rin ang naglagay ng seatbelt ko. Sumandal ako sa kinauupuan ko sabay buntong-hininga.
"Do I making you feel uncomfortable?"
Napalingon ako sa kaniya. He's just staring at me with those eyes filled with sadness.
"No. It's just... I'm tired." Mahina ko na sagot at mulinh sumandal.
I closed my eyes. Trying not to cry. Nakakapagod. Parang ang bigat ng katawan ko. Hindi ko alam dahil siguro masakit din ang loob ko kay Dad? He didn't even bother to visit my brother. His son.
Habang nasa biyahe ay tahimik pa rin ako. Wala akong ganang magsalita o kumilos. Ang gusto ko lang ay makauwi na at magpahinga. Then I'll be back later.
Pagdating namin ng bahay ay inihatid pa ako sa loob ni Zander.
Wala si Dad sa bahay kaya mas lalong sumakit ang kalooban ko.