26

41 3 0
                                    



Napangiti ako nang makita ang lalaking nakaitim na high neck sweatshirt kaya medyo natatakpan ng bahagya ang kaniyang baba at bibig. Naka-cap pa rin siya na kulay itim din. Iniisip ba niya na hindi siya makikilala sa kaniyang suot ngayon? Naigala ko ang aking paningin sa paligid ng AD Café. All eyes were on him while he's taking his steps towards me with those dark running shoes. Napaka-fresh niyang tignan kahit balot na balot siya ng kaniyang suot na sweatshirt. Sino ang hindi makakakilala sa kaniya? Sa lakad at dating pa lang niya? Kahit hindi man siya makilala ngayon ay hindi mo pa rin maiiwasan na mapatingin sa kaniya ng ilang beses. I mean, my boyfriend is a hot one. Kahit may pagkamasungit at walang paki sa mundo? Believe me, he's sweet.

Nang bahagya niyang itaas ang kaniyang cap at sulyapan ako habang papalapit sa akin ay Nakita ko ang pagkislap ng kaniyang mga mata. I fixed my black bucket hat to cover my eyes a little. Feeling ko may naka-radar na sa presensiya ni Eli. Katulad niya ay medyo naka-disguise din ako ng kaunti. Ako ang nag-decide na magtago ng ganito dahil mahirap na. Ang iniisip ko kasi ay si Dad.

"I told you. Wala akong pakialam kung may makakita man sa atin. You're my girlfriend. I'm not going to hide it."

Iyon ang sinabi ni Eli sa akin pero pumayag din naman siya.

Tumayo ako nang makalapit siya at kinuha ang aking bag sa katabing upuan ko. Nang makalapit siya ng husto ay hinila niya pababa ng bahagya ang collar ng sweatshirt niya na nakatakip sa kaniyang bibig. Tumingala ako sa kaniya at sinalubong ang pagdampi ng kaniyang mga labi sa akin.

"Good Morning." he whispered sweetly.

Nag-init ang mukha ko nang makitang nakaagaw kami ng atensiyon sa paligid dahil sa ginawa niya. Nakilala kaya siya? Maybe? As if he cares. But I do care.

Inabot ko ang collar ng sweatsheart niya at itinaas iyon ulit.

"Good Morning." bulong ko at iniabot sa kaniya ang kape na ipinabili niya.

Tinanggap niya iyon bago ako inakbayan. "Saan tayo?" he asked after taking a sip on his coffee.

"Ikaw? Sa'n mo gusto?" balik tanong ko at iniyakap ang aking braso sa beywang niya.

"Eli!"

Nang marinig naming pareho ang pagtawag sa kaniyang pangalan ay napahinto na ako sa paghakbang kaya naman maging siya ay napalingon sa akin bago pa kami makalabas ng pintuan.

"What?" halos pabulong niya na untag sa akin.

"Mauna na ako. I-entertain mo muna ang mga fans mo-

"That's nonsense." he groaned and guided me out of the café. Hindi man lang niya nilingon ang mga tumawag sa kaniya. Okay iyon para sa akin. Pero ayoko naman na gawin niya ito sa mga fans niya every time na kasama ako. Wala naman dapat magbago pagdating doon. Kahit madalas naiinis ako, sinusubukan ko naman mag-adjust para sa kaniya.

"Sigurado ka na hindi mamasamain ng mga fans mo ang ginawa mo? I mean alam mo naman ang nangyari kailan lang hindi ba?" sabi ko nang makapasok kami ng kotse niya.

Hindi naman siya kumibo. Binuhay niya ang makina ng kotse atsaka na ito pinaandar.

Hindi na ulit ako nagtanong pa. Sa tantiya ko, ayaw niya itong pag-usapan. Ang akin lang, ayoko na masira siya sa mga sumusuporta sa kaniya.

"Hindi ba iyon ang dahilan kung bakit tayo nagtatago?"

I took a glace at him with my brows furrowed.

Sinulyapan niya rin ako at tumawa ng pagak.

"Ayaw mo na madawit ka ulit sa akin. Na masama ka sa mga isyu na masyado mong dinidibdib--

T H I S T I M ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon