53

100 3 0
                                    













"This is crazy." Bulong ni Eli sa akin habang naglalakad kami papalapit sa altar. Nakakapit ako sa braso niya at diretso ang aking titig sa harapan nang sabihin niya iyon. Napalingon ako sa kaniya.

Napangiti ako. Ang gwapo niya . Ni ayaw niyang magpahuli sa ikakasal na si Damon.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

Tumingin siya sa akin at ngumisi. "Damon is crying. Because of that, my heart is beating strangely. Faster and louder. I'm just curious." Mahina niyang sagot. Muli niyang tinignan si Damon. Maging ako...

Yeah. Damon is really crying. Hindi nito alam kung paano pupunasan iyon habang nasa tabi niya si Blake. Na tila ba nahihirapan ito na hulihin ang sariling paghinga.

Kasabay ng musika sa buong paligid ay nagbigay ng kakaibang kilabot sa buong katawan ko.

"Curious of what?" I asked while my eyes remained where Damon stands.

"Sa pakiramdam ng nakatayo doon. At naghihintay sa iyo..."

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kaniyang braso. Nagbaba siya ng titig sa akin.

"I just really wanna know."

"Eli..."

He smiled at me then looked away.

Hanggang sa maghiwalay na kami ng upuan. At habang naglalakad papasok si Czai ay kitang-kita namin ang pag-alog ng kaniyang balikat. She's crying. And we all know that it's just a tears of joy. Napahinto pa ito sa gitna dahil sa emosiyon na nais kumawala mula sa kaniyang dibdib. Kaunti na lang ay lalapitan na ito ni Damon pero natatawang pinigilan ito ni Blake.

Huminga ng malalim si Czai af nagpatuloy sa paghakbang. Alam namin na hindi pa ganoon kaayos ang lahat sa kanila. Lalo na sa Dad ni Damon. Pero kumpleto pa rin silang lahat. Alam din namin na may ilangan pa sa pamilya nila. But here they are, still fighting for their love. I admire them so much.

Nang tignan ko si Eli ay may ngiti sa kaniyang mga labi habang ipinapasa ng Dad ni Czai ang kamay nito kay Damon.

Naalala ko ang mga sinabi niya sa akin. At sa pinakakaibuturan ng aking puso, ganoon din ang nais ko. Gusto ko rin maglakad papalapit sa altar, at doon siya naghihintay para sa akin.

Nang magtama ang mga titig namin ay ngumiti ako sa kaniya. Lalong lumapad ang ngiti niya sa akin.

Hindi pa rin ako makapaniwala na sa dami ng pinagdaanan namin ay magkasama pa rin kami hanggang ngayon.

May pagkakataon na napakasaklap kung iisipin ang mga bagay na nangyayari sa mga taong katulad namin na nagmamahalan lang at gustong makasama ang isa't isa.  May pagkakataon na napapagod at sumusuko tayo. Dahil sa sakit na nararamdaman natin na akala natin mawawala kapag binitawan natin.

Damn. Masarap magmahal lalo na kung alam mo na mahal ka rin ng taong minamahal mo. Wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam na handa siyang maghintay para sa iyo kahit nasasaktan siya. Na paulit-ulit niyang sinasabi na paninindigan ka niya hanggang dulo.

Ang pakiramdam na mahalin ka ng ganoon kasukdulan ng isang tao ay walang katumbas na saya. At lahat ng iyon ay naramdaman ko kay Eli. Ang pagmamahal niya na hindi tumitigil. Ang pagmamahal at katapatan niya na nagbibigay ng kulay sa mundo ko na akala ko ay habang buhay ng makulimlim. At kahit alam ko na may pinagdadaanan din siya, nagagawa pa rin niya akong pasiyahin. At palagi akong nauuna sa mga prayoridad niya sa buhay. Kahit pagdating sa akin, minsan nawawala siya sa mga pinaprayoridad ko.

Kahit madalas siyang magtanong kung ano ba siya sa akin. Kahit madalas nasasaktan ko siya. Kahit itinataboy ko siya bumabalik pa rin siya sa akin.

T H I S T I M ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon