MPB - 43

1.8K 40 1
                                    

CHAPTER 43

SAM'S POV

Maaga akong nagising kinabukasan. Dahil na rin siguro sa magdamag na harutan namin ni Jake kahapon. Oo, harutan talaga. Feeling ko nga, parang kami eh. Hahaha!

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Lianne. Dapat kasi magse-stay ako sa kwarto ni Jake kaso na-awkward-an ako kaya, nagpaalam ako kay Lianne kung pwede, pumayag naman siya.

"Kaaaaaaaaaath!" Sigaw ni Lianne mula sa living room.

"Oh, bakit?" tanong ko habang nagsusuklay.

"Start na ang shoot in a few minutes. Manonood ka ba?" tanong niya.

Nilapag ko yung suklay sa ibabaw ng mesa. "Oo manonood ako. Tara na." sabi ko at bumaba na kami.

Nung nagshu-shoot na sila, nakatingin lang ako sa malayo, pinapanood silang dalawa umarte. May mga ibang artista rin akong nakikita pero hindi naman ako mahilig sa mga artista kaya hindi na ako nag-react.

Biglang tumunog yung cellphone ko. Nanlaki naman yung mata ko upon reading the text message.

From: John Alexander

Hi, Kathryn! Nandito na ulit ako sa Philippines! Wahahahaha! I miss you. :)

JACOB'S POV

"OH MY GOSH!" napatingin ako kay Kathryn na sumigaw. Mabuti nalang at kakasabi lang ni direk na break, agad kong pinuntahan si Kathryn sa kinaroroonan niya.

"Kath?! Anong nangyare?" tanong ko habang nakahawak sa magkabilang balikat niya. Samantalang siya, nakatingin pa rin sa cellphone niya.

Inalog ko siya kaya napatingin siya sakin. "Nakauwi na si Alex galing Hong Kong! Waaaaah!" sabi niya habang nagtatatalon.

Parang binagsakan ako ng langit at lupa nang sabihin niya na nakauwi na yung 'bestfriend' niya galing Hong Kong. Sana hindi nalang siya bumalik.

"Ah, okay." sabi ko at binitawan siya. Pinuntahan ko nalang si Lianne na nasa gilid ng pool.

"Oh, problema?" tanong niya pagkaupo ko sa tabi niya.

"Nakauwi na si bestfriend galing Hong Kong. Sobrang natuwa siya dahil don." sabi ko.

"Para yun lang? Sira ulo ka talaga. Hayaan mo na! Edi kapag kasama niyo yung bestfriend na yon, ipamukha mo na sayo si Kath kahit may amnesia siya!" sabi niya, pero mahina lang. Malapit lang si Kath samin eh.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Nga naman, pero, kailangan ko pa ring ipamukha sa kanya na akin si Kath, kahit akin nga siya. Mahirap na kung magtake advantage ang gagong yon.

"Thank you, Lianne!" sabi ko at niyakap si Lianne. Natawa naman siya, hinapas niya muna yung braso ko bago niya ako yakapin pabalik.

***

"Uy, ang sungit mo?" tanong ko kay Kath habang naglalakad sa hallway ng hotel.

"Wala, trip ko lang magsungit. Pake mo ba?" tanong niya at sumakay sa elevator. Humabol naman ako, kaming dalawa lang ang nasa elevator ngayon.

Binalot kami ng katahimikan. Walang nagsasalita samin. May nasabi ba ako kanina? Ang alam ko lang naman, iniwan ko siya sa cottage dahil sa sinabi niya. Nagpalamig lang ako ng ulo.

Nung bumukas ang elevator, lumabas na kami pareho. Magkatapat lang kasi ang rooms namin ni Lianne.

Bubuksan na niya sana yung unit ni Lianne pero mabilis kong nabuksan yung unit ko. Hinila ko siya papasok and pinned her against the wall.

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon