CHAPTER 19
JACOB'S POV
Kanina lang kami natapos mag pack-up. It's 3am in the morning, at nagda-drive ako ngayon papunta sa apartment ng girlfriend ko. Wala kaming taping bukas at sa isang araw kaya..basta. Ewan ko ba dun. Sabi, dapat na daw matapos ang ang pagshu-shoot pero nagpalaktaw pa siya ng mga araw. Hay, ewan. Okay narin yon.
Galit kaya siya sakin? Ano kayang gagawin niya kapag nakita niya ko? Sasaktan? Iiwasan? I'm such a jerk for doing this to her.
Mabilis akong nakapunta sa apartment niya, pinarada ko na rin agad yung kotse ko at bumaba. May duplicate key ako ng apartment niya kaya mabilis rin akong nakapasok at naka-akyat sa kwarto niya. Thank God at hindi na ito naka-lock.
Sumulip na muna ako sa pinto at nakita ko siya na payapang natutulog. Maglalakad na sana ko papunta sa kama niya ng may maapakan ako at bigla itong umilaw. Ano naman to?
Lumuhod ako at napansin kong cellphone niya to na basag na ang screen. May nakita akong parang reminder na nakalagay, "Celebrated first month".
Napasapo ako sa noo ko. Bakit ko naman kasi kinalimutan? This day---I mean, yesterday was supposed to be a happy day for the both of us, but it turned out to be sad. Occupied ang utak ko dahil sa mga lines na ilang araw ko na kinakabisado. Malaking problema to. Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang lampshade na nasa gilid ng kama niya. Is she---
"What the hell are you doing inside my room?" May kaunting liwanag, kaya from here, kita ko ang mukha niya. And there I noticed. Namamaga ang mata niya.
"Babe----"
"What the hell are you doing here?" tanong niya ng bago pa ako makalapit ng tuluyan sa kanya. Oh, this is sooo not my girlfriend. She only use those kind of words when she's angry. And now? I can say that she's really angry because of what I did.
"I'm so sorr-----" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil tinakpan niya ng dalawang kamay niya ang tenga niya, idagdag mo pa ang pagsasalita niya.
"Shut up." sabi niya.
"No----"
"I said, shut up! May magagawa ba yang sasabihin mo sakin?! Maibabalik ba ang kahapon kapag sinabi mo yan sakin?! Tell me, Daniel Alcantara! Maiintindihan ko pa kung hindi mo ako masu-surprise because I know how busy you are. O kaya naman, sa text mo lang ako binati gawa nga ng umalis ka dahil tinarayan pa kita. Maiintindihan ko pa yon! Pero yung kalimutan mo? Hindi. Hinding-hindi..." nagsimula nang tumulo ang mga luha niya.
Lumapit ako sa kanya. I was about to hug her pero tinaas niya ang palad niya para sabihing huwag kong gawin yon. "Lumabas ka ng kwarto ko, Jacob." sabi niya kaya wala na kong ibang nagawa kundi lumabas. Sumandal ako sa may pader, hinawakan ko ang sentido ko at umupo sa sahig.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magsalita at mag-sorry ulit sa kanya. She's an understanding girlfriend, and I don't think na 'sorry' lang ang dapat na matanggap niya. She doesn't deserve this.
***
Maliwanag na ng makarinig ako ng tunog ng engine mula sa labas. Umaga na pala. Ay hindi, kanina pa pala umaga. Tinignan ko ang cellphone ko, 9 na pala.
Bumangon ako at nag unat-unat. Wait, anong ginagawa ko sa kama ng girlfriend ko? At paano ako napunta dito?
Lumabas ako sa kwarto niya at pumunta sa sala. Napansin kong maayos na ang bahay kumapara sa nadatnan ko kaninang alas-tres. Pero...bakit parang ako lang ang tao dito? Lumabas ako at napansin kong wala na ang kotse niya sa labas. So, ibig sabihin, engine ng kotse niya yung nanggising sakin? San naman kaya siya pumunta?
Bumalik ako sa loob, pupunta na sana ako sa sink ng may nakita akong papel na naka-magnet sa ref. Kinuha ko naman yon dahil nakita ko ang pangalan ko. Para sa akin naman siguro ito.
Jacob,
Obviously, wala ako diyan. May photoshoot ako ngayon tsaka may lakad ako. Isasama ko si Tiffany. Wag mo nang intayin pag-uwi ko dahil alam kong maiinip ka diyan. Gabi na siguro ang uwi ko kaya dapat lang na hindi mo na ko hintayin. -Sam.
P.S. May breakfast diyan for you. Please, don't skip. Kahit galit ako sayo, may care parin ako.
Napangiti ako upon reading that letter. Pero, dissappointed rin at the same time dahil nga galit parin siya sakin.
Tsaka, gabi na makaka-uwi? Obviously, she's trying to avoid me. Wag ko na siyang intayin? Nah, matigas rin ang ulo ko.
Lumabas ako ng apartment niya at kinuha yung bag ko sa kotse na may lamang mga damit. Bumalik na rin naman agad ako pagkakuha ko. Good thing, walang nakakita sakin. I forgot to wear shades.
Nakiligo ako sa banyo niya at nagbihis ng maayos. May kailangan akong gawin.
Galit siya sakin. Hindi ko hahayaang tumagal pa ang pag-iwas niya sakin at baka maging dahilan pa yon ng paghihiwalay namin. Ang OA ko naman masyado. -___-
Kinuha ko yung cellphone ko and dialled Diego's number.
Jacob: ["Pare----"]
Diego: ["Pare mo mukha mo. Bakit mo pinaiyak si Sam?!"]
Jacob: ["Chill, dude. Hindi ko sinasadyang makalimutan ang monthsary nam----"]
Diego: ["Ano?! Nakalimutan mo?! Jacob naman! Alam mo naman na first time niya yon eh! Bakit mo kinalimutan?! Alam mo ba kung gaano kasakit yon para sa kanya? Lalo na, first monthsary niyo yon! Tsaka---"]
Jacob: ["Teka nga, bakit ba parang ang dami mong alam?"]
Diego: ["Baka nakakalimutan mo lang, bestfriend ng girlfriend mo ang girlfriend ko. Pumunta nga daw si Sam sa bahay ni Tiffany kani-kanina lang eh. Alam mo bang magde-date dapat kami ni babs ngayon kaso, kinancel niya dahil nga daw masama ang loob ni Samantha?"]
Jacob: ["Oo na. And it's all because of me."]
Diego: ["Buti alam mo. Kasama niya ngayon si babs sa photoshoot niya. Anong plano mo ngayon? Mag-effort ka naman! Baka mag-break agad kayo, sige ka. Pero, wag! Bet ko ang loveteam niyo. Effort, Jacob. Effort."]
Jacob: ["Eh kaya nga ako tumawag sayo eh."]
Diego: ["Yan ang hirap kapag bestfriend eh."]

BINABASA MO ANG
My Popular Bachelor
FanfictionI'll do everything for him to be My Popular Bachelor.