MPB - 52

2.1K 26 1
                                    

CHAPTER 52

SAM'S POV

"Uy, ang aga mo ah. Nandito ka na agad." sabi ko habang nagkukusot pa ng mata. Kakagising ko lang kasi, mukha agad ni Jacob ang bumungad sa'kin.

"Kagabi pa ako nandito, no. Dito ako natulog eh." sabi niya at hinawi ang mga buhok ko na nakaharang sa mukha ko. Natuwa naman ako sa ginawa niya dahil simple gesture lang yon, kinilig na agad ako ng bongga. Nako naman, umagang-umaga, kinikilig ako. Hay, Jacob.

"Oo nga pala, good morning." sabi ko. Niyaap ko siya at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Nakahiga kasi siya ng patagilid, tapos nakaharap sakin.

"Good morning rin. Matutulog ka ba ulit?" tanong niya habang hinahaplos-haplos ang buhok ko. Ang sweet talaga ng baby ko. Hihihihihihihihihihi.

"Hindi na, nawala na yung antok ko nung nakita ko yung mukha mong pagka-gwapo-gwapo." sabi ko at hinawakan yung magkabilag pisnge niya.

"Naglalambing ka yata." sai niya at hinalikan ang tungki ng ilong ko. Ni-nose to nose ko naman yun sa ilong niya, tumawa siya ng mahina.

"Date tayo, baby. Last day mo na dito sa Manila eh, then the next day, you'll be going home." malungkot niyang sabi.

"Wag na malungkot. Papangit ka niyan, sige ka." sabi ko. Para akong nanay na nagpapatahan ng anak dahil umalis ang papa niya at nangibang bansa.

In-expect kong ngingiti na siya pero nakasimnagot pa rin ang loko. Naka-pout pa. Pabiro akong umirap. Umangan ako ng kaunti patagilid at hinalikan siya sa pisnge. "I love you." sabi ko. Nakita kong lumitaw yung dimples niya kaya kinurot ko yung pisnge niya.

Hinawi niya yung kamay ko. "Baby, masakit, wag ganyan. Lips ko nalang pagdiskitahan mo." sabi niya at ngumuso. Hinampas ko siya sa dibdib na dahilan ng pagtawa niya.

"Joke lang, baby. Date tayo ah?" sabi niya.

"Anong oras?" tanong ko habang pinaglalaruan yung kamay niya. Ang lambot kasi, ang sarap hawakan.

"Pagkatapos mong mag-ready. Dun na lang ako sa cr sa baba, dito ka sa kwarto mo ah?" sabi niya. Oo nga pala, may wardrobe to sa kotse niya.

"O'sige. Magre-ready na ako. San ba tayo pupunta?" tanong ko. Binelatan niya lang ako at tumakbo pababa. Pero bumalik rin siya at hinalikan ako sa labi tapos lumabas ulit. Napatakip ako sa bibig, hindi pa ako nagtu-toothbrush eh!

***

"Ang ganda mo talaga, baby." sabi ni Jacob sakin pagbaba ko.

Tinignan ko yung suot ko. "Okay lang ba? Sure ka? Parang hindi kasi." sabi ko habang tinitignan ang damit ko mula sa salamin.

"Maganda nga, baby. Kahit sleeveless yan, hindi na muna ako maghihigpit ngayon." sabi niya at niyakap ako mula sa likod.

"Sa tingin mo, baby, anong magiging reaksyon ni tita Katarina pag nakita niyang kasama mo ako?" tanong niya at hinalik-halikan ang leeg ko.

Napasandal naman ako sa katawan niya at hinawakan yung kamay niya na nasa tiyan ko. "Wag na mua nating isipin yon, baby. Kalimutan na lang muna natin si mommy, araw natin to, dapat ineenjoy natin." sabi ko .

"Hindi lang talaga mawala sa isip ko na baka ilayo ka na naman niya sakin tulad ng ginawa niya dati." sabi niya at hinalikan naman ang kabiglang gilid ng leeg ko. Naiyak ako dahil sa sinabi niya, hindi ko alam ang gagawin ko kung ilayo na naman ako ni mommy sa kanya.

Humarap ako sa kanya at nilagay ang kamay ko sa batok niya. Yung kamay niya naman, nasa bewang ko pa rin. "Jacob, please. Tanggalin mo yan sa isip mo, please." sabi ko at hinalikan siya sa labi. Bumitaw rin naman ako agad.

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon