CHAPTER 22
SAM'S POV
"Kelan nga ba first monthsary niyo?" tanong sakin ni Ken.
"April 26." sagot ko.
"So, mahigit isang buwan na pala kayo nitong ugok na to." sabi ni Ken tapos tinuro si Jacob na kasalukuyang kinakalikot ang cellphone ko.
Nagulat naman ako ng biglang pitikin ni Ken yung sentido ni Jacob kaya napatingin siya kay Ken. "Gago, anong problema mo?" masungit na tanong ni Jacob kay Ken.
"Ang sungit mo naman, fafabelles. Hindi mo ata ako na-miss eh." sabi ni Ken in gay tone tapos nagcross arms. Nag-pout pa!
Mahina namang tumawa si Jacob. "Kadiri ka, Ken. Oo na, namiss na kita." sabi niya tapos sinuntok yung balikat ni Ken.
"Hmp! Ganyan ba ang na-miss? Galit ako sayo, di kita bati. Dito na nga lang ako kay baby Sam." sabi niya tapos lumipat sa kaliwa ko, nag-cling sa braso ko, humiga pa sa balikat ko! Nakita ko namang masama ang tingin samin ni Jacob tapos nag-iwas tingin.
"Selos alert." bulong ni Ken sakin, nag-chuckle naman ako. Nakita ko pang huminga ng malalim si Jacob. "Napaka-seloso talaga nitong ulol na to. Two years na, pero hindi parin nagbabago." sabi niya tapos mahinang tumawa.
"Tignan mo si Jacob, Sam. Parang magnanakaw. Naka-jacket, naka-cap, naka-shades pa! Hahaha! Hirap talaga pag artista." bulong ulit ni Ken sakin kaya napatawa ako ng malakas. Napalingon naman yung ibang tao sakin, pati na rin si Jacob. Shemay, nakakahiya.
Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Jacob tapos hinila ako palayo kay Ken. "Maghanap ka ng mahihigaan mo, Ken. Wag yung sakin." sabi ni Jacob tapos inupo ako sa tabi niya. Naiwan namang tumatawa si Ken dun sa pwesto niya kanina.
Si Ken Andres, friend ni Jacob tsaka ni Diego. Kanina lang namin siya nakita. Nagstay kasi siya sa Hong Kong for two years. Aalis na nga dapat siya kanina. Eh, nakasalubong namin, edi sumama na. Na-miss niya na daw si baby Jacob niya eh. Hahaha!
"Sweet niyo ni Ken kanina ah." sabi nung katabi ko tapos binalik niya yung cellphone ko sa bag ko.
"Selos ka naman?" pang-aasar ko. Nag hand gesture naman siya, 'konti lang'.
"Konti lang your face. Feel ko nga, malapit ka nang sumabog eh. Hahaha!" sabi ko tapos sinandal ko yung ulo ko sa balikat niya pero, hindi siya nagsalita.
"Galit ba babe ko?" tanong ko sa kanya tapos ininterwine yung kamay namin. Pero, hindi parin siya nagsasalita.
"Grabe ka naman mag-selos. Pati kaibigan mo, pinagseselosan mo. Alam mo namang ikaw lang diba?" sabi ko tapos kiniss siya sa cheeks. Oo, alam kong ang corny corny ko. Ew.
"Asus, naglalambing yung girlfriend ko." sabi niya tapos nag nose-to-nose kami. Huh, talk about Public Display of Affection.
Nagulat naman kami ng may lumapit saming security guard, kasama si Ken. Anong nangyare?
"Sila po, sir. PDA po sila." sabi ni Ken. Napasapo naman sa noo tong katabi ko tapos yung guard, napakamot ng batok.
"Manong, pagpasensyahan niyo na po tong kaibigan ko. Kakatapos niya lang po kasing magpagamot sa ibang bansa." sabi ni Jacob.
"Ah, sige po, sir." sabi ni manong guard tapos umalis na. Bigla namang tumayo si Jacob tapos sinakal si Ken. Kawawa naman si Ken. Baliw kase.
"Gago ka talaga, Ken." sabi ni Jacob tapos bumalik sa tabi ko. Tinawanan ko nalang silang dalawa. Lalo na si Ken. Kung titignan mo kasi ngayon, parang batang umiiyak sa isang sulok dahil nawawala yung magulang niya.
BINABASA MO ANG
My Popular Bachelor
FanfictionI'll do everything for him to be My Popular Bachelor.