MPB - 48

1.9K 35 0
                                        

CHAPTER 48

JACOB'S POV

"Eh? Naaksidente ka? Bakit hindi namin alam? Pati sa tv, hindi man lang pinakita. Ay, wala naman sigurong mga camera nung oras na yon. Pero di nga, bakit at paano ka nagka-amnesia?" tanong ni Tiffany sa girlfriend ko. Napalunok naman ako ng di oras.

Tumingin muna sakin ang girlfriend ko, I wonder why. Tatanungin ko na sana siya pero bigla siyang humarap kila Tiffany at nagsalita. "Wag kayong magagalit kahit kanino, ah?" paninigurado niya.

Tumango naman silang tatlo, lalo na si Ken. Parang inaalog na niya yung utak niya, loko-loko talaga tong lalaking to. Nagka-girlfriend na't lahat lahat, hindi pa rin nagbabago.

"N-nabangga ni J-jacob yung k-kotse ko, nung araw nung pumunta tayo sa mall, Tiffany." sabi niya tapos yumuko.

Nakita ko namang nanlaki yung mata ni Tiffany tapos kumunot ang noo. "Ay, ganon? Aba, walanghiya ka pala, Jacob eh!" sabi niya at tumayo. Tinayo ako ni Sam at lumayo kami ng konti kay Tiffany, mabuti nalang at naawat na siya agad ng boyfriend niya.

"Tiffany Michelle Enrile! Sabi ko, walang magagalit, diba?" pasigaw na tanong ni Sam habang hawak ang kamay ko.

Kumalma naman si Tiffany, mukhang susugurin ako kanina eh. "Okay, fine. Bitaw, Kwags." sabi niya, binitawan naman agad siya ni Diego at umupo na sila.

Hinawakan lang ni Sam ang kamay ko, mahigpit na hinawakan ko rin naman yung kamay niya. "Bakit mo nga naman nabangga, Jacob? Ano yon? Nag-racing kayo ni Sam tapos nung magkapantay na kayo, bigla siyang nag-overtake tapos tinagilid yung kotse niya then nabangga mo siya?" diretsong tanong ni Tiffany.

"Yes, pero hindi kami nag-racing. More like habulan, hindi paunahan." sabi ng girlfriend ko.

Sa aming lima, ang dalawang babae lang ang nagsasalita, tahimik lang kaming mga lakaki, nakikinig. Nakakapanibago nga eh, lalo na kay Ken.

***

"Ah, eh dapat naman pala talagang pagselosan yang Alex na yan eh! Sorry Ken at Sam kung sasabihan ko ng ganito yung kaibigan niyo pero, ang harot naman kasi! Alam namang taken, kung maka-dikit, akala mo sila ang mag-on. Jusko, pag taken, dumistansya siya!" inis na sabi ni Tiffany.

"Easy lang, Babs. Wag mo nang isipin si Alex na boy bestfriend ng bestfriend mo. Ang importante, nandito na ulit si Sam." sabi ni Diego habang hinahaplos yung braso ng girlfriend niya. Kumunot bigla yung noo niya. "Pano ka nga pala naka-alala? Ay teka, naaalala mo na ba kami?" tanong ni Diego.

Binatukan naman siya ni Tiffany. "Malamang, Kwags! Kilala nga tayo eh, lalo na si Jacob. Edi malamang, nakaka-alala na siya! Hay nako. Anyway, paano ka nga pala naka-alala?" tanong ni Tiffany.

"HINALIKAN KO SIYA SA LIPS!" proud na sigaw ko.

"Ah, Jacob!" sigaw ng girlfriend ko at tinakpan yung bibig ko. Tumawa nalang ako.

Nakita kong nag-smirk si Enrile. "Asus, ikaw, Jacob! Chumachansing ka pa rin pala kahit wala nang naaalala! Hahaha! Loko ka talaga." sabi ni Tiffany.

SAM'S POV

Nakakainis si Jacob, kasing pula ko na tuloy yung lipstick ni Tiffany.

"Wag ka na mahiya, Sam. Sinabi niya lang naman na hinalikan ka niya eh, aba, mahiya ka kung mahuli ulit namin kayong naghahalikan sa kung saang bahagi ng apartment na to!" mapang-asar na sabi ni Diego.

"Mga loko." sabi ko at siniko si Jacob sa tiyan. Tumawa naman siya.

"Ken, ayos ka lang?" tanong ko kay Ken nang mapansin kong nakatingin lang siya sakin. Humarap ako kay Jacob at tinanong kung may dumi ba ako sa mukha, wala naman daw.

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon