CHAPTER 25
SAM'S POV
"Ugh, letse. Ang sakit ng ulo ko." bulong ko sa sarili ko nang magising ako.
Sobrang sakit niya talaga. It felt like, thousands of needles were pricking my skull. Ano bang ginawa ko at bakit ganito kasakit yung ulo ko?
Nag-bar lang naman ako kahapon. Oh wait. Naparami yung inom ko ng alak?
Minulat ko yung mata ko at nilibot ang paligid. To my surprise, wala ako sa apartment ko. Wala ako sa bahay nila Tiffany. Nasaan ako?
Nagmadali akong bumangon kaya biglang sumakit ng bongga yung ulo ko. Ugh. Curse this headache.
"Oh, buti gising ka na." sabi ni Jacob pagpasok ng pintuan sa kwarto.
Wait. Nandito si Jacob?! Shemay naman, oo! Naiilang pa ko sa kanya eh!
"Nasan ako?" tanong ko sa kanya.
"Sa condo ko." sagot niya tapos umupo sa tabi ko.
"Bakit ako nandito? Anong nangyare kahapon?" tanong ko ulit.
"Nilasing ka kahapon nina Diego.Tinext ako ni Diego, sabi niya hinahanap mo raw ako kaya pinuntahan ko kayo ron." sabi niya tapos humiga na ng tuluyan sa kama.
"Ah." yan nalang yung nasabi ko. Naiilang pa rin ako sa kanya hanggang ngayon eh.
That was a wild and aggressive kiss kaya! Lasing siya nung time na yon eh!
"Naiilang ka pa rin ba?" tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Ha?"
"Sabi sakin nila Tiffany, nilasing ka raw nila para mapaamin ka na nila kung bakit ka daw lutang palagi. Sabi mo daw, hindi mo raw makalimutan yung kiss natin dun sa bahay nila mama." sabi niya habang nakatingin sa kisame.
"O-oo eh." sabi ko tapos nagtakip ng mukha.
Binalot kami ng matinding katahimikan. Oh my gosh, mag-ex girlfriend-boyfriend na muling nagkita lang ang peg namin ngayon!
"Sorry." sabi niya. Naramdaman ko namang lumapit siya sakin tapos binack hug ako.
Ay, ehmehgehd. Kinikilig ako. Hihihihihihi :">
"Okay lang. Lasing ka naman non eh." sabi ko.
Nanginig naman ako ng bigla niyang ilapit yung labi niya sa may tenga ko. "I love you." bulong niya.
***
"San ba tayo pupunta?" tanong ko.
Nandito kasi ngayon sa kotse niya. Kakagaling lang namin sa apartment ko, para ihatid yung kotse ko. Pinagpalit niya narin ako ng damit kasi may pupuntahan daw kami.
"Sa bahay." sabi niya.
"Bakit?" tanong ko. Hindi naman sa ayaw ko, nagtataka lang ako.
"Pupuntahan si Dani. Nangako kasi ako sa kanya kahapon na babawi ako sa kanya ngayon eh. Isasama pa kita." sabi niya.
"Ay talaga? Oh, eh, pano ka babawi?" tanong ko.
"Wala, sasamahan ko lang siya dun sa bahay." sagot niya.
"ANO?! Ganyan ka lang bumawi? Ipasyal mo naman!" pag-aapila ko.
"Ipapasyal ko nga sana eh! Eh ang kaso, ayoko ng suot mo." sabi niya kaya sumimangot ako.
Pinapagalitan niya na naman ako kanina. Bakit daw ganito suot ko. Pinakiusapan ko na hayaan niya nalang yung damit ko at tumuloy sa pupuntahan.