MPB - 54

2K 36 10
                                        

CHAPTER 54

SAM'S POV

Pagkagising ko, bumungad sakin ang napaka-gwapong mukha ng boyfriend ko. Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ko yung nangyari samin kagabi, it was.... great.

Tinitigan ko yung mukha niya. Grabe, umagang umaga, kinikilig ako. Sobrang gwapo niya talaga. Pero napasimangot ako nang may tanong na pumasok sa utak ko.

Hanggang kailan ko kaya siya matititigan ng ganito?

Hinaplos ko yung pisnge niya, hindi naman siguro siya agad magigising. Halatang sobrang himbing ng tulog niya, ang layo na ng narating niya. Nasa Italy na siguro tong lalaking to.

Dahan-dahan akong bumangon at sinuot yung damit ko. Oo, yung damit ko, hindi yung tshirt niya. Naiilang kasi ako, wew.

Pinulot ko yung mga nagkalat niyang damit sa sahig. Tinupi ko iyon at nilagay sa gilid ng kama niya. Naiirita ako, ang kalat kasi eh. Hehehe.

Pumunta ako sa kusina at pinagtimpla siya ng kape. And once again, may pumasok na naman na tanong sa utak ko.

Magagawa ko pa kaya to? Ang pagsilbihan siya tuwing umaga balang araw?

Napailing ako, kasabay ng pagtulo ng luha ko. Mahahanap at mahahanap rin naman ako nila Mommy eh. Pero sana, hindi na mangyari yon. Ayokong mahiwalay sa kanya, mahal na mahal ko siya.

Napatigil ako sa paghahalo ng kape niya ng tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa center table sa harap ng couch na kinauupuan namin kagabi. May tumatawag pala.

Agad kong kinuha iyon, hindi tinignan kung sino ang tumawag ng ganito ka-aga.

Sam: ["Hello?"] sabi ko. Nakaramdam naman ako ng kaba ng marinig ko ang boses niya. Ang boses ng Mommy.

Mommy: ["Where. are. you."]

Sam: ["Bakit ko sasabihin sayo? Hindi naman ako tanga para sabihin sayo kung nasaan ako."]

Mommy: ["Oh my god. Who are you? Yan ba ang tinuturo sayo ng boyfriend mong walanghiya?"] sabi niya mula sa kabilang linya na kinainit ng dugo ko.

Sam: ["Wag na wag mo siyang pagsalitaan ng ganyan."]

Mommy: ["Umuwi ka na. Iwan mo na siya."]

Sam: ["Why the hell should I do that? Wala kang karapatang pagsabihan ako sa mga gagawin ko."] matigas na sabi ko. Gustong gusto kong sumigaw. Pero, ayokong marinig ni Jacob ang pag-uusap namin ng nanay ko.

Mommy: ["May karapatan ako because I'm your mother, Samantha. Wag mong hintayin na pati ang pamilya ng boyfriend mo, madamay sa gulo natin."] sabi niya na ikinanginig ko.

Sam: ["A-anong ibig mong sabihin?"]

Mommy: ["Kaya kong pabagsakin ang kompanya nila in just a snap, Samantha. I may be a fashion designer pero kaya kong gawin yon, naging parte ako ng kompanyang yon at kayang kaya kong bumalik doon."]

Sam: ["No, don't do that. Wag mo silang idamay dito, wag na wag. No.. wag sila Tita Janine at Tito Dan, sila Dani, wag. Wag ang kompanya nila."]

Mommy: ["Then, choose. Sasama ka sakin at ilalayo kita sa kanya o babagsak ang kompanya nila, na ilang taong pinaghirapan ng tatay niya?"]

Huminga ako ng malalim bago sumagot. Hindi ko inakalang kaya niyang gawin to. "Sasama na ako sayo." sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Mommy: ["Then pumunta ka na dito sa apartment mo. Get your things and we're leaving."] sabi niya at binaba na ang tawag.

Umupo ako sa sofa at saka umiyak. Ayokong iwan siya, pero kailangan dahil babagsak ang kompanya nila. Ayokong mawala ang lahat ng pinaghirapan ng magulang niya, lalo na kung dahil sakin.

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon