MPB - 17

2.9K 75 3
                                    

CHAPTER 17

SAM'S POV

Nasa biyahe parin kami hanggang ngayon. Si Tiffany, mukhang bored na bored na. Pagod na sigurong magsalita. Kanina pa daldal ng daldal eh.

Ako naman, dahil bored na rin ako, tinignan ko yung mga buttons sa sasakyan ko. *Bright Idea!*

"Tiffany, gusto mong malasap yung malakas na hangin sa labas?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Pero, masyadong maliit tong bintana eh." sagot naman niya.

"Huwag kang mag-alala. Gagawan natin ng paraan yang bintana ko." sabi ko.

Tinignan niya ko. "Paano?" tanong niya.

Sinuot ko muna yung shades ko. May pinindot akong kung anong button na dahilan ng pagkawala ng bubong ng sasakyan ko. Hindi naman sobrang init kaya okay lang yan.

"Wow, ang galing!" sigaw ng katabi ko at sprinead yung arms niya. Nag-chuckle nalang ako.

"Pwede pala to sa sasakyan mo." sabi niya at sinuot yung shades. Napuwing siguro. Nasa express way kasi kami kaya malakas ang hangin.

Tumingin na ulit ako sa daan at pa-easy-easy-ng nagmaneho. Rinig ko namang nag 'Woooooooooooooooh!!' tong katabi ko.

"Ano, Tiffany? Bored ka pa?" pasigaw tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya. Dapat sumigaw dahil hindi kami magkakarinigan kung hindi kami sisigaw.

"Hindi na! Pinaalis na nitong sasakyan mo eh!" sagot niya.

Tumawa nalang ulit ako at nagpatuloy sa pagmamaneho. Bahala na siya diyan sa buhay niya.
Hahaha!

==========AFTER 6 HOURS==========

"Hay, kapagod!" sabi ko pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan ko sa tapat ng apartment ko. Hinatid ko na si Tiffany sa kanila, ganun na rin naman ang ginawa ni Jacob kay Diego. Pupunta pa naman daw si Jacob dito mamaya.

Kinuha ko yung mga gamit ko sa compartment. Matamlay kong binuksan yung gate tapos matamlay ring pumasok ng bahay. Binagsak ko naman agad ang sarili ko sa couch.

Tinignan ko yung oras sa cellphone ko. 3pm na pala. Hindi pa ko nagtatanghalian. Medyo matagal kaming na-stuck sa traffic eh.

Di bale na. Mamaya nalang ako kakain ng tanghalian kapag full na yung energy ko. For now, magpapahinga na muna ako.

Huminga na muna ako ng super duper lalim bago bumangon mula sa couch. Kinuha ko yung gamit ko, aakyat na sana ko ng may biglang bumusina sa tapat. Si Jacob pala.

Nilapag ko yung mga gamit ko sa sahig. Hay, I'm super pagod pero para sa kanya, titiisin ko, Ew, corny. Pero, pambawi narin to sa kanya. Siya nga, kahit pagod na pagod na sa trabaho, nagagawa niya pa kong puntahan dito.

Sinalubong ko siya at niyakap. Niyakap rin naman niya ko, pero mas mahigpit. Hihi, kinikilig ako. Almost 5 hours rin kaming magkahiwalay. Hindi kami nagtetext o tumatawag sa isa't isa dahil maga ma-distract lang kami at maaksidente pa.

Naglakad kami papasok sa loob ng magkayakap. Nung nasa loob na kami, hiniga niya ko sa sofa, ohmygosh. Nakapatong tuloy ngayon siya sakin. Awkward.

Lumayo siya ng konti at tinitigan ako. Gosh, his face is so angelic. Kinikilig ako.

Nginitian niya ko, nginitian ko rin naman siya tapos siniksik yung mukha niya sa leeg ko. Ramdam ko yung mainit na hininga niya. Ohmyglob.

Nung nararamdaman ko nang napapapikit na ko... "Jacob, inaantok na ko." sabi ko.

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon