CHAPTER 10
TIFFANY'S POV
Pagkatapos na pagkatapos mag "I love you" ni Jacob sa bestfriend ko, hindi na ko nag-abalang kumatok at pumasok na agad kami ni Diego sa apartment niya.
Niyakap ko si Sam at dinaldal ng dinaldal. Baka kasi malaman niya na narinig namin yung pinag-usapan nila. Which is, totoo naman. Si Diego naman, inasar-asar agad si Jacob. Kulit namin no? Wala eh. Ramdam namin ang awkwardness nila Sam.
Nandito parin kami sa living room ng apartment ni Sam, nanonood ng "Guardians of the Galaxy". Position namin: Sam|Tiffany|Diego|Jacob
Oo, talagang pinaghiwalay namin sila. Baka kasi mailang ng sobra to si Sam at hindi na pansinin si Jacob sa susunod na hang-out namin.
Busy-ng busy kaming tatlo nila Jacob sa panonood pero itong si Sam, hindi na nanonood. Tutok na tutok yan kanina eh.
Siniko ko siya. "Pssstt. Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.
Shinake niya yung ulo siya at hinilamos ang palad niya sa mukha niya. "Oo, okay lang." sabi niya sabay hinga ng malalim at nagpatuloy sa panonood.
Natapos ang movie pero hindi nagsasalita si Sam at Jacob. Hay nakooooo! Grabeng awkwardness naman ang nafi-feel nilang dalawa ngayon, oo! Mukhang nafu-frustate narin naman si Diego sa inaasal ng mga bestfriend namin dahil naka-busangot na siya ngayon.
Nasa ganoong pwesto parin kami hanggang ngayon. Mas lalo kasing titindi ang awkwardness nila kapag pinagtabi pa namin sila. Aba, mahirap na.
Siniko ako ni Diego. "Babs, dito pa ba tayo kakain ng hapunan?" tanong niya.
Nga pala, Babs ang tawag ni Diego sakin dahil mukha daw akong baboy na patay gutom. Kwags naman ang tawag ko sa kanya dahil medyo singkit siya. Labo no? Diba ang owl, malaki ang eyes? Hahaha! Sarap lang mang-asar. :>
Oh please, don't get me wrong. Hindi kami ng ungas na to. Sadyang may endearments lang talaga kami. Favorite ata naming awayin ang isa't isa.
"Yes, kwags. Gutom na ko eh." sabi ko sabay lingon kay Sam. "Luto ka na. Gutom na kami ni Diego." sabi ko sa kanya. Um-oo naman agad siya at pumunta na sa kitchen.
Yan ang gusto ko kapag may something na buma-bother sa isip ni Sam eh. Utusan mo, susunod agad. Hahaha!
***
Nandito kami ngayon ni Diego sa harap ng lababo. Kami na naman ang pinaghugas eh. FYI, BWISITA PO KAMI!!! OO, PROUD AKO NA BWISITA AKO!!
Nung tapos na kaming maghugas, nagsalita agad ang kwago. "Should we leave them now, babs? Kailangan din nilang mag-usap. Kaninang kaninang kanina pa sila hindi nagkikibuan." sabi niya.
"Ay, oo nga no? Hindi ko naisip kanina na kailangan din nilang mag-usap. Good thinking, kwags." sabi ko at bumalik na kami sa living room. Iniwan kasi namin sila kanina don eh. Si Jacob, naka-earphones. Si Sam naman, nagce-cellphone.
"Guys, mauna na kami." sabi ko. Natigil naman sa pagce-cellphone si Samantha at tumayo.
"Bakit? W-wag na muna." sabi niya at kung saan saan na tumingin. Hay nako. Halatang naiilang parin kay Jacob eh.
Shet, Tiffany! Isip ng palusot, bilis!!! Hmmm...
"A-ah, gabi na kasi. Tsaka, may pupuntahan pa kami ni Diego." pagdadahilan ko. Maniwala ka, please. Maniwala ka!
"A-ah... E-eh, ganun ba? S-sige. Ingat kayo." sabi niya sabay yuko. Yes! Naniwala siyaaaaaaaa!!
Kinuha ko na ang bag ko sa sofa at hinila na si Diego sa palabas. Hindi na ko nag-abalang magpaalam. Bastos na kung bastos pero baka kasi magbago pa ang isip ni Samantha at hindi kami paalisin.
"Babs, may lakad tayo?" tanong ni Diego.
Binatukan ko naman siya. "Tanga. Palusot ko lang yon, no. Hindi ko naman pwedeng sabihin na pag-uusapin lang natin sila dahil alam kong pipigilan niya tayong umalis kapag yon ang sinabi ko no. Isip isip nga pag may time, kwags."
"Psh. Sorry naman." sabi niya at nagdrive na. Hahatid niya pa ko eh. Bakit ba? :>
SAM'S POV
Nung naka-alis na sina Tiffany at Diego, malamang. Kami nalang ni Jacob ang magkasama ngayon dito.
*AWKWARD SILENCE*
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ba dapat matuwa ako dahil sa sinabi niya? Dahil nag "I love you" siya?
Bakit ba lahat ng ine-expect kong gagawin ko, eh hindi ko magawa ngayon? Yung pag nakita at nakausap ko siya ng matagal, magwawala na ko sa sobrang saya. Yun yung nangyari sa ospital at dito rin sa apartment ko. Nagwala lang ako pagkaalis niya and because he kissed my forehead.
Yung pag nagka-gusto siya sakin at sabihin niya na mahal niya ko, iiyak na ko dahil sa tuwa? Oh, don't get me wrong pero, mahal ko din siya. Matagal na. Bago pa niya ako makilala. Hindi bilang idol kundi higit pa don.
Nawala naman ako sa pagkatulala nang magsalita siya. "Alis na ko, Sam." sabi niya at naglakad papalapit sakin. Nung nasa harapan niya na ko, hinawakan niya yung pisnge ko.
He chuckled. "Sam, you're blushing." sabi niya. Napayuko naman ako ng kaunti don. Shet naman. Bakit sa harap na niya ako namula?
"Ikaw kasi eh!" sabi ko at hinampas siya. Wew. Pampabawas awkwardness narin para saming dalawa.
Tumawa naman siya at inalis ang kamay niya sa pisnge ko pero inakbayan niya naman ako. "Sam, napapansin mo bang palagi akong naka-akbay sayo? Hinahalikan sa cheeks? Hinahawakan sa kamay? Binubuhat yung mga gamit mo? Diba gawain minsan ng nanliligaw yon?" sunod sunod niyang tanong.
"Ah. Oo naman. Bakit? N-nanliligaw ka ba?" nahihiya kong tanong. Tinaasan ko lang ang self-comfidence ko ng kaunti no. Hindi naman pwedeng palagi nalang akong nahihiya.
Ngumiti siya. "Buti naman at napansin mo. Dahil matagal na kitang nililigawan." sabi niya na ikinagulat ko. SERIOUSLY?!
"I have to go. Take care, Samantha." sabi niya. He even kissed my forehead bago umalis. Well, naiwan akong tulala don sa kinatatayuan ko. Nawala ako sa pagkatulala ng marinig ko ang malakas na music ng katabing bahay.
Ginawa ko na lahat ng dapat gawin bago matulog at pumunta na sa kwarto ko. Tumunog naman bigla ang cellphone ko. Notification sa twitter. Binuksan ko naman ang twitter ko and boom! Sabog ang interactions ko! WHAT IS HAPPENING?! Sa lahat ng tinweet sakin, isa lang ang binasa ko.
'@JacobAdmirers: OMG! @ronquillokath is super lucky to have @DJalcantara!!!! Hihi! Love them both. They're super bagay kahit sa picture na to ko lang sila nakitang magkasama. Sana mag-artista na din si Ms. Sam! pic.twitter.com/x8lkHCEW2q'
What's with me being lucky to have Jacob naman? Tsaka, yung sinasabi niyang picture? Yun yung nasa starbucks kami. Yung bumulong ako kay Jacob. Leche nga eh. Pinicture-an nga kami ni Tiffany.
Tinignan ko ang twitter account niya at binasa ang recent tweet niya 5 minutes ago.
'@DJalcantara: Sweetdreams, Sam. I love you. @ronquillokath'
KILL ME NOW.
====================
Hahaha! Nanliligaw na pala! Lol!
Hahabaan ko na yung next updates ha? Hangga't maaari kasi, gusto ko hanggang Chapter 50 lang ang MPB. :)
-Claii <3

BINABASA MO ANG
My Popular Bachelor
FanfictionI'll do everything for him to be My Popular Bachelor.