CHAPTER 20
SAM'S POV
"Huh? Ano ba naman yan. Nage-enjoy pa ko eh. Geh, bye." rinig kong sabi ni Tiffany sa kausap niya sa phone. Medyo mahina nga lang. Lumayo kasi siya eh.
"Sino yung kausap mo?" tanong ko pagkakapit niya sakin.
"Ah, wala lang yon." sabi niya. "Okay ka na ba?" tanong niya. Umiling ako.
Yesterday was supposed to be a happy day. Bakit kaya hindi niya ko binati? Ugh, stupid me. Dahil siguro....ewan!
"Hindi pa rin? Ano ba naman yan. Pero, naiintindihan naman kita. Kung sa amin rin lang ni kwags mangyayari yan, eh talagang matagal bago maging okay." sabi niya.
I sighed. "Sorry ah? Hindi na tuloy kayo nakapag-date ni Diego." sabi ko. Binatukan niya ko. "Ano ka ba naman! Okay lang no! Bestfriend kita eh. Siyempre, mas uunahin kita." sabi niya tapos ngumiti.
"Ah, alam ko na. Shopping tayo para gumaan yung loob mo kahit papano. Magda-dalawang oras na tayong nagwi-window shopping eh. Tara!" sabi niya tapos hinila niya ko dun sa boutique ni mommy.
"Welcome to Katarina, ma'am Kathryn and ma'am Tiffany." bungad samin nung babaeng nagbukas ng pinto. Malamang, kilala na kami dito no. Nginitian naman namin siya tapos pumunta kami dun sa dress section.
May kinuha siyang tatlong dress. Hinagis niya sakin tapos tinulak ako papunta sa fitting room. Bait no? Sinukat ko yon isa-isa. Yung 3rd dress ang pinaka-nagustuhan ko. Binayaran na NIYA yon tapos pinasuot niya rin agad sakin. Tinanong ko kung bakit sabi niya, "Trip ko lang." Niligpit ko yung damit ko kanina tapos hinila niya ko papunta ng Cyberzone.
"Ayan. Bili ka ng cellphone mo. Alam kong miss mo na mag-twitter." sabi niya tapos nginitian ako ng pilya. "Pero, ikaw na magbabayad niyan. Mas marami kang pera kaysa sak---"
"Oo na, oo na. Tara na nga!" sigaw ko at ako naman ang humila sa kanya. Aba, gantihan lang!
Mabilis rin naman akong nakapili ng cellphone at binili na yon. Afford ko na eh. Hahaha! Mas maganda na yung cellphone ko kaysa kay Jacob!
Ay, Jacob. Hay.
"Oh bat lukot yung mukha mo? Tsaka----wow naman, Samantha! iPhone 5, ang taray! Daig mo pa yung iPhone 4 nung jowa mo!" sabi niya at hinampas ako. Hay, nabanggit na naman siya.
Napansin niya naman agad na mas lumukot yung mukha ko kaya nag-sorry rin siya agad. Nginitian ko nalang siya.
"Ano ba yan. Gumaan na nga yung loob mo tapos binalik ko pa yung sama ng loob. Tanga mo talaga, Tiffany!" bulong niya pero narinig ko. Tinawanan ko nalang siya kasi pinalo pa niya yung noo niya.
***
"Bakit mo naman naisipang kumain sa mamahaling restaurant, aber?" tanong ko kay Tiffany na kasalukuyang nakangiti ng nakakaloko habang nagda-drive ako.
"Wala lang. May kailangan kasing ayusin eh." sabi niya pero, bakit pa bumulong yon? Puzzled na tuloy ako ngayon. Ano ba yung binulong niya?
"Bakit kaya?" tanong ko sa sarili ko pero hindi ko nalang pinansin.
Nang makarating kami sa restaurant na sinabi niya, pinark ko agad yung kotse ko tapos bumaba na kami.
Nung nasa harap na kami nung entrance, saka ko napansin. Walang tao? Sarado? "Uy, sarado yata eh. Tignan mo, walang tao." sabi ko kay Tiffany.
"Hindi yan." sabi niya at hinila ako papasok.
Luminga-linga muna kami saglit tapos biglang namatay yung ilaw. Oh em gee!I can't see anything! As in, wala talaga akong makita! Gabi na kasi eh!

BINABASA MO ANG
My Popular Bachelor
FanfictionI'll do everything for him to be My Popular Bachelor.