CHAPTER 6
SAM'S POV
"Sam, dun nga tayo. Nakalimutan ko yung cartolina tsaka scotch tape." sabi ni Tiffany at nauna nang maglakad. Sumunod nalang ako.
6:30 na ng gabi, pero nandito parin kami sa National Book Store. Hindi pa nga namin nalilibot ang SM eh. Ang dami kasing pinabili sa amin. Kainis.
"Tara. Bayaran na natin to." sabi niya at pumunta na kami ng cashier.
Magka-hiwalay naming binayaran yung mga binili namin. Pinunch nung cashier yung resibo sa isang supot tapos binigay na samin. Nilagay namin sa reusable bag na dala namin yung mga pinabili at lumabas na ng Book Store.
"Tara, Tiff. Punta tayong Book Sale saglit." pag-aaya ko.
Pumunta naman kami ng book sale at nag ikot ikot. Bumili kami parehas ng libro ni Tiffany. "A Hundred Days With You" (by: whenitcomestolove) yung akin, tapos "Avah Maldita" (by: simplychummy) yung kay Tiffany. [A/N: Meron pa niyan sa wattpad, complete na complete. Basahin niyo, ang gondoooo!]
Pagka-punch ng resibo, lumabas agad kami ng Book Sale.
Habang naglalakad-lakad kami sa SM, pinagtitinginan ako ng mga tao. Oh well, sanay na ko. Tsk. Iba talaga pag magandang model. XD
"Starbucks nalang tayo, Sam. Sawa na ko sa Dakasi eh." pag-aaya niya.
"Gulo mo naman. Kanina gustong gusto mo sa Dakasi. Tapos ngayon, Starbucks naman?"
"Hehe. Peace?" pabirong umirap nalang ako at lumabas na kami ng SM.
Pinuntahan namin yung kotse ko sa parking lot. Nilagay namin yung mga pinamili namin sa likod kasama nung mga backpack namin. May konting space naman yon para sa mga gamit eh. Iba pa yon sa trunk.
"Grabe talaga, Sam. Di ako maka-get over sa sasakyan mo." pag-pupuri niya.
"Hay nako, bakit di ka magpabili?" tanong ko.
"Si daddy kasi eh. Saka nalang daw kapag hindi na ko iresponsable. Like, duh? Magiging second honor ba ko kung iresponsable ako? Hay nako. What a reason." sabi niya.
"Yaan mo, bibilhan ka rin non." sabi ko at nagpatuloy sa pagda-drive.
Mayaman din naman sila Tiffany. Daddy niya kasi yung may-ari ng "Enrile Publishing Corp." sa Makati. Mahilig kasi silang lahat magbasa. Kaya hindi na ko mag-tataka kung punong puno yung kwarto ni Tiffany ng iba't ibang libro. Mapa-romance, mystery, science fiction, basta marami.
Pinarada ko yung kotse ko sa harap ng starbucks. Bumaba na kami at nag dire-diretso sa counter.
"Sam, libre na kita. Pambawi na rin dahil dun sa kahapon." sabi niya.
"Yun oh, manlilibre. Mocha Frappe nalang."
"Ah, sige. --Dalawang Mocha Frappe nga, miss.-- Hanap ka ng table. Ayoko pa umuwi eh." sabi niya.
Umupo ako sa table na nasa dulo ng Starbucks na katabi ng salamin. Ang sarap kaya sa ganito.
Nilabas ko ang cellphone ko saglit yung cellphone ko dahil biglang nag-vibrate. Nag text pala ang aking pinakamamahal na kapatid.
From: Emman
Hi ate, kamusta?
Hmmm. Mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit nangamusta to.
To: Emman
Himala. Nangamusta ka. Okay lang naman, kapatid. Anong meron?
From: Emman
BINABASA MO ANG
My Popular Bachelor
FanfictionI'll do everything for him to be My Popular Bachelor.