PROLOGUE
Gabi-gabi kitang pinapanood sa mga teleserye mo.
Lagi kitang pinapakinggan sa radyo.
Tweet ako ng tweet sayo kahit na alam kong hindi mo ako marereplayan.
Pinapanood ko yung mga movies na pinagbibidahan mo o extra ka lang don.
Lahat ng albums na nire-release mo, meron ako.
Nung naging VJ ka nga sa myx halos ma-memorize ko na lahat ng kanta dun eh.
Minsan nga, naisip kong magnakaw ng standee mo.
Palagi kong tinitignan yung Lily's Peanut butter dahil nagbabakasakali akong nandon yung picture mo.
Pumapasok ako sa Bench masulyapan lang ang mga picture mo.
Lahat ng impormasyong tungkol sayo, alam ko. Oo, lahat alam ko.
Dahil kung tungkol sayo, hinding hindi ko palalampasin.
Handa akong magtiis sa matagal na commercials, masubaybayan lang ang bawat gap ng teleserye mo.
Kahit wala akong pera, kaya kong hindi kumain para lang makapunta sa concert mo.
Tinanggal ko ang hiya ko para sayo.
Kaya kong sumingit sa mga mahahabang pila ng mallshows mo, at wala rin akong pakialam kung magalit man ang ibang tao sa akin.
Ikaw ang dahilan kung bakit wala ng space ang cellphone ko dahil puro pictures mo ang nilalaman non.
Punong-puno ang kwarto ko ng mga pictures mo.
Hindi nawawala ang mga sermon ng nanay ko sa akin dahil hindi niya ako suportado sayo.
Binalak ko pa ngang pasukin ang showbiz para mapalapit sayo, pero halos lahat ng mga auditions na sinalihan ko, hindi ako sinuwerte.
Nakikipag-away pa ko sa twitter, facebook, at instagram dahil sobrang daming insecurities sayo ng mga haters mo.
Maraming nagsasabi sa akin na magka-iba tayo. Magka-ibang magka-iba tayo. Sikat ka, ako hindi. Pinaparamdam nila sakin na ang layo ko sayo. Na malabong magustuhan mo rin ako.
Minsan nga may nagsabi sa akin. "Tigilan mo na yang pagfa-fangirl mo. Wala kang mapapala diyan."
Bakit? Masama bang hangaan ang idolo? Anong magagawa ko? Hindi ko naman inexpect na aabot ako sa ganito.
Tao lang din naman ako, at walang masama sa pagfa-fangirl.
Hindi ko sila pinapakialaman sa mga ginagawa nila. Alam rin naman nila ang ganitong feeling.
Handa akong gawin ang lahat. Mapalapit lang sayo, Daniel Jacob Alcantara.
I'll do everything, for him to be My Popular Bachelor.
===================
(c) StylishMinnie All rights reserved 2014.
BINABASA MO ANG
My Popular Bachelor
FanfictionI'll do everything for him to be My Popular Bachelor.