CHAPTER 44
SAM'S POV
Two weeks and four days na na ang nakalipas simula nung kinuwento ni Jake sakin yung tungkol sa kanila nung girlfriend niya. Pagkatapos nun, mas lalo siyang naging sweet sakin. Ako naman, kinikilig.
Pero ang ipinagtataka ko, bakit sa tuwing may sweet gestures si Jake sakin, may mga nagfaflash sa mga utak ko? Lalo na pagkatapos niyang magkwento. Parang maya't mayang may nagpeplay sa utak ko nga mga happenings. And guess what, andun lagi si Jake!
Dumaan ang pasko, kaming dalawa lang ni Emman ang nandito sa bahay. Yes, hindi umuwi sila mommy at daddy. Pero, naka-skype naman namin sila parehas. Hindi rin sila magkasama. Mommy's in France while Daddy's in Singapore.
And mas nakakalungkot na park, hindi namin kasama si Jake. Pero, hindi naman ako nagalit. Umuwi siya sa Manila to celebrate Christmas with his family.
7pm na, inaantay ko nalang na sunduin ako ni Jake. Sabi niya kasi, may pupuntahan daw kami. Na-excite naman ako.
Nandito ako sa may bakuran, nakaupo sa may bench, naglalaro ng My Talking Angela. Ang cute nga ng pusang to eh, lalo na't level 3 palang ako, baby pa lang siya.
Napairit naman ako ng mahina ng gusto niyang magtoothbrush. Ang cute niya talagaaaaa! Kung marami lang sigurong tao dito sa paligid ko, iisipin nilang may sira ako sa ulo.
"Ay pusa!" sigaw ko nang may tumusok sa tagiliran ko.
"Nakangiti ka mag-isa diyan? Patingin nga sa cellphone mo." sabi niya at kinuha yung cellphone ko, agad niya rin naman yong binalik.
"Naglalaro ka lang pala. Hahaha! Nakita ko ring isang beses, naglalaro niyan si Lianne. Aba, nanggigigil sa pusang yan. Bakit ba gustong gusto niyo yan?" tanong niya.
"Wag ka nga, Jake! Ang cute niya kaya!" sabi ko.
Pabiro siyang umirap at niyaya na ako sa pupuntahan namin. Nagpaalam kami kay Emman na ka-facetime ang girlfriend. Ang sweet, hihihi.
Nagsuot na muna siya ng hoodie jacket bago kami lumabas ng gate at sumakay sa kotse niya. Tumigil siya sa... I don't know. Bumaba na kami at naglakad-lakad.
"Wait." napatigil ako sa paglalakad dahil hinawakan niya yung braso ko. Kinuha niya yung panyo niya sa bulsa niya.
"Takpan lang natin yung mata mo ah? Para surprise." sabi niya. Umirap ako habang tumatawa at tumalikod sa kanya. Tinakpan niya ng panyo yung mata ko. I'm blindfolded.
"Don't worry, Kathryn. I'll never let you go." sabi niya at hinawakan ang kamay ko at ang bewang ko.
Palihim akong ngumiti dahil sa sinabi niya. Nakakaleche, ganito rin siguro yung mga sinasabi niya sa girlfriend niya. Kinikilig ako mga friend.
Nagdadaldalan kami habang naglalakad sa pupuntahan kuno namin. Hindi ko na nga alam kung nasaan kami eh. Ay malamang, Kathryn! Naka-blindfold ka nga eh. Shunga.
"Jake, malapit na ba tayo?" tanong ko.
"Yes, malapit na tayo." sabi niya.
Naexcite naman ako sa sinabi niya. Ewan ko ba, parang lagi nalang akong excited. Ano kaya yung pupuntahan namin?
Maya-maya, tumigil kami sa paglalakad. "Andito na tayo." sabi niya at tinanggal ang blindfold ko.
Kuminang naman ang mata ko sa nakita ko, may table for two na naka-setup malapit sa lake. Oh my gosh, I can't believe this. Bakit niya ginawa to? Effort.
