CHAPTER 40
JACOB'S POV
"Alam mo, Jake, nawi-weirdo-han ako kanina sa mga tao sa labas. Nagtataka ako, bakit kaya yung ibang nanonood ng taping, nag-tilian nung nakita ako. Yung iba naman, inirapan ako." kwento niya.
"Mas lalo naman akong nagtaka nung pinapasok agad ako nung bantay dito. Eh yung iba nga, nagmamaka-awa na para lang makapasok pero hindi sila pinagbigyan. Tapos ako, binati niya lang ako tapos pinapasok na agad. Grabe. Tapos nung nakita ako nung iba, binati rin ako, pati yung direktor niyo, kinausap pa ako. Hay, ang weird. Alam pa nila yung pangalan ko. Pero, bakit kaya Sam ang tawag nila sakin?" nagtatakang tanong niya.
Nilunok ko yung nasa bibig ko bago magsalita. "Wag mo nalang silang pansinin. Kalimutan mo na yon." sabi ko habang nililigpit yung pinagkainan ko.
"Ako na diyan." sabi niya pero pinigilan ko siya. Nahawakan ko yung kamay niya kaya napatingin siya sakin.
Na-miss ko yung mga panahong natititigan ko ng matagal at ganito kalapit yung mata niya. I was longing for this moment.
"Jacob, take na d-----"
Napatingin naman kami dun sa nagsalita. Si Lianne.
"I'm sorry, I didn't mean to disturb the two of you. Go continue what you are doing. Kung meron man." malokong sabi niya bago siya mawala sa paningin namin.
Nagkatinginan kami ni Kath, agad rin naman kaming nag-iwas tingin. "Uhm, labas ka na don. Susunod agad ako pagkatapos kong ligpitin to." sabi niya.
"You sure?" paninigurado ko.
"Yeah, una ka na. Goodluck." sabi niya tapos nginitian ako.
"Uhm...okay." sabi ko. Hinalikan ko siya sa noo bago ako lumabas ng tent.
Napangiti naman ako dahil don. Naka-chansing ako mga pare. Grabe, nakakahiya mang sabihin pero kinikilig talaga ako ngayon.
"Jacoooob!"
Tumingin ako sa sumigaw, si Lianne pala, ulit. Nataranta naman ako ng makita ko siyang tumatakbo papunta sakin, natawa rin naman ako at the same time dahil nawawala yung poise niya. Anong problema neto?
Niyakap niya ko ng mahigpit nang makalapit siya sakin. "Bwisit, namiss kitang gago ka." sabi niya, niyakap ko rin naman siya pabalik.
Napabitaw kami sa isa't isa nang makarinig kami ng malakas na tilian mula sa labas. Inakbayan ko nalang siya bago kami pumunta dun sa lugar kung san ishu-ishoot yung...erm...kissing scene.
"Nagkabalikan na kayo?" tanong niya habang naglalakad kami. Agad naman akong umiling.
"Hindi pa? Eh ano yung nakita ko kanina?" tanong niya.
"Wala yon, wag mo nang isipin yon." sabi ko. Binilisan namin ang paglalakad nang senyasan kami ni direk na bilisan at kailangan na daw mag-take.
"Jacob, Lianne, alam niyo namang ngayon na natin ishu-shoot ang kissing scene diba? Pumayag kayo sa ganito. So, all you have to do is kalimutan muna ang mga taong magagalit or kung ano man. Especially you, Jacob. Alam nating lahat na nandito ang girlfriend mo pero, you agreed with this kaya kalimutan mo siya ng three minutes. I'm sure she'll understand at, pinayagan ka rin naman niya siguro." dire-diretsong sabi ni direk, tumango nalang ako.
"Yuck, dapat pala hindi na ako pumayag noon. Eww." sabi ni Lianne.
"Wag ka nang maarte diyan. Akala mo naman gusto kitang halikan, hindi no. Asa ka naman. Ayaw rin kitang halikan no." sabi ko. She rolled her eyes.
BINABASA MO ANG
My Popular Bachelor
FanfictionI'll do everything for him to be My Popular Bachelor.
