CHAPTER 27
JACOB'S POV
Nandito kami ngayon ni Samantha sa apartment niya. Kasalukuyan akong nakayakap sa kanya habang siya, umiiyak.
It's been two weeks since magsimula ang movie namin ni Lianne. Pati na rin ang interview na isinama sa balita. At ang sunud-sunod na mall shows naming dalawa. At pati na rin ng makilala ko si Alex.
Bakit umiiyak si Sam? Simple. Walang tigil sa pamba-bash ang ginagawa ng mga fans namin ni Lianne sa kanya.
Obviously, kino-comfort ko siya ngayon. Nabasa niya na naman daw ang mga panibagong hate tweets sa kanya.
"Wala naman kasi akong ginagawa eh. Hindi na nga ako pumunta sa mga mall show niyo eh. Tsaka, ang alam lang naman nila, nililigawan mo ko. Pero, bakit hanggang ngayon, kung anu-anong sinasabi nila sakin?" sabi niya habang umiiyak kaya mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.
"Shh...I'm sorry." bulong ko. Mas lalo naman siyang umiyak dahil don.
Hinagod-hagod ko lang ang likod niya hanggang sa makatulog na siya kaya binuhat ko siya paakyat sa kwarto niya at hiniga siya sa kama niya.
Umupo ako sa may gilid niya. Hinaplos ko yung mukha niya at hinalikan siya sa noo. "Mahal na mahal na mahal kita." sabi ko.
SAM'S POV
Nagising ako dahil may naramdaman akong basa yung mukha ko.
Anong nangyare? Naghilamos ba ko nung tulog ako? Eh?
Minulat ko yung mata ko. Nagulat naman akong may isang maliit na puppy ang dumidila sa mukha ko kaya agad akong bumangon. Nahulog naman siya sa kama.
Napatingin ako sa pinto ng bigla itong bumukas at nakita ko si Jacob. Tumingin-tingin pa siya sa paligid. "Asan na si DK?" tanong niya. Napataas naman yung kilay ko dahil don.
DK? Sino naman yun?
Napansin naman niyang hindi ko alam kung sino yung tinutukoy niya. "Yung aso na iniwan ko dito?" tanong niya.
Aso? Oh no. Di kaya yun yung asong nahulog sa kama? Ay tanga. Malamang! Ilang aso pa ba ang nadirito sa kwarto ko?
Magsasalita na sana ko ng makarinig kami ng mga hikbi ng aso na galing sa ilalim ng kama ko. Yung parang umiiyak. Sumilip naman agad siya don kaya pagkatayo niya, may hawak na siyang aso.
"Pano to napunta sa ilalim ng kama? Sa pagkaka-alam ko, iniwan ko to sa kama mo ng saglit dahil kinuha ko yung cellphone ko eh." tanong niya.
"Ah...Eh...Nagulat kasi ako dahil pagkamulat ko ng mata ko, nakita kong dinidilaan niya yung mukha ko kaya bigla akong bumangon kaya nahulog siya sa kama. Di ko sinasadya, promise!" pag-eexplain ko. Baka kasi magalit siya sakin eh, nasaktan yung aso.
Teka, bagong alaga ba niya yan?
Tumango tango siya tapos tumabi sakin tapos pinahawak sakin yung aso. Hinawakan ko naman yon tapos pinakarga na niya sakin. Hindi ko maitatangging sobrang saya ko ngayon dahil ngayon nalang ulit ako nakapag-alaga ng aso simula ng mamatay yung aso namin ni Emman noon.
"Babe, ang cute niya." sabi ko habang hinihimas yung ulo nung aso. "Para sayo talaga yan." sabi niya na ikinagulat ko.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Nagbabakasakali lang na gumaan yung loob mo. Mabuti naman at napagaan ni DK yung loob mo." sabi niya at hinimas niya rin yung ulo ni DK.
Para kaming happy family, mga friend! Pero, bakit DK?
BINABASA MO ANG
My Popular Bachelor
FanfictionI'll do everything for him to be My Popular Bachelor.