CHAPTER 53
SAM'S POV
"Eeehh! Baby naman eh!" reklamo ni Jacob, tinawanan ko na lang siya.
Pano ba naman kasi, inaasar kong Mama's Boy dahil may nakita akong picture sa cellphone niya, yung pinaka-unang picture. Nakahalik si Tita Janine sa noo niya, graduation niya pa man din, nasa stage sila.
"Ang galing galing talaga ng baby ko!" sigaw ko at nagbend ng kaunti para halikan siya sa pisnge. Nag-kunwari akong si Tita Janine. Narinig ko naman siyang nag-groan at sumimangot na siya ng tuluyan.
Nandito kasi kami sa kotse, pauwi na kami. Malayo-layo pa kasi ang uuwian namin kaya nag-aasaran pa kami dito. Para hindi na rin ma-bored.
"Ay, wala na. Nainis na siya." sabi ko. Hinawakan ko yung kamay niya pero iniwas niya yon at hinawak rin sa manibela. Nainis nga talaga.
"Hoy, Jacob. Sorry na, uy. Nang-aasar lang naman ako eh." sabi ko habang hinahaplos yung kanang braso niya. Kaso, walang epek, seryoso pa rin siyang nakatingin sa dinadaanan.
Kinulit ko pa siya ng kinulit, kaso hindi niya talaga ako pinapansin. Huhuhu, galit ata to eh.
"Jake, galit ka ba?" mahinahon kong sabi, hindi niya na naman ako pinansin. I sighed. Napaka-isip bata ko naman kasi, eh. Araw nga namin to eh, sinira ko naman. Hay, Kathryn Samantha.
Sumandal na lang ako at tumalikod sa kanya. Papalamigin ko na muna ang ulo, baka mas lalo siyang magalit pag kinulit ko pa eh.
OA mang pakinggan pero bigla na lang tumulo yung luha ko pagkatalikod ko sa kanya. Siguro dahil, ayoko lang talagang nagagalit siya sakin?
Suminghot ako, mahina lang, hindi niya naman siguro mahahalata na umiiyak ako eh, no?
Aish, wag ka ngang umiyak, Samantha! Ginalit mo siya eh, wag kang mag-inarte diyan na parang siya ang may kasalanan sayo!
Nanahimik na lang ako, iintayin ko na lang na dalawin ako ng antok. Para pag gising ko, hindi na mainit yung ulo niya. Sana.
"Samantha." rinig kong matigas na sabi niya bago ako pumikit.
Dahan dahan naman akong humarap sa kanya, nakatingin siya ng diretso sa daan. "B-bakit?" nanginginig na sabi ko. Kinakabahan ako, makikipag-break kaya siya sakin? Kasi sobrang kulit ko at ininis ko siya ng sobra? Oh no, hindi ko kaya.
"Sorry kung hindi kita pinapansin kanina---UMIYAK KA BA?!" tanong niya nang tumingin siya sakin. Tinigil niya yung kotse sa isang gilid at hinawakan ang magkabilang pisnge ko.
"Bakit ka umiyak? Anong nangyare? May masakit ba sayo?" sunod-sunod na tanong niya.
Umiling ako at niyakap siya. Nung una, medyo nagtataka pa siya pero niyakap niya rin naman ako pabalik.
"Jacob, sorry na. Hindi na kita aasarin ulit, wag ka na magalit." sabi ko at sinubsob ang mukha ko sa leeg niya.
Narinig ko siyang tumawa. Giggles. Bumitaw ako sa yakap. "Natawa ka diyan? Tinatawanan mo na naman ako?!" tanong ko.
Nag-peace sign siya. "Medyo, hahaha! Nagjo-joke lang naman ako, baby eh! Hahaha!" sabi niya at tinawanan pa ako ng husto.
Hindi na lang ako nagsalita. Maya-maya, nagulat ako ng biglang siyang umubo. Nasamid ang loko, buti nga. "Oh, ayan kasi. Tawa pa, sige." natatawang sabi ko at inabutan siya ng tubig. Tumigil naman siya sa pag-ubo.
"Okay na?" tanong ko. Tumango siya at tumawa na naman. Pabiro na lang akong umirap sumandal sa upuan. Nagulat naman ako nang bigla niyang hinarap ang ulo ko sa kanya at hinalikan ako ng mabilis sa labi.

BINABASA MO ANG
My Popular Bachelor
FanfictionI'll do everything for him to be My Popular Bachelor.