MPB - 35

1.8K 50 3
                                    

CHAPTER 35

JACOB'S POV

"Kamusta yung session niyo ngayon?" tanong ko sa kanya.

Nandito kami sa isang park malapit sa bahay nila, kumakain ng streetfoods. Medyo na-miss ko rin kasi yung pag kain neto dahil matagal-tagal rin akong hindi nakakain ng streetfoods.

"Okay lang naman, medyo nakaka-inip lang. Tagal ko na nang nagtitimpi dun sa nagtuturo sakin eh. Palaging high-blood." sabi niya sabay subo ng kwek-kwek.

"Easy lang, ganyan talaga ang buhay." sabi ko. Tinapik ko yung likod niya kaya sandali siyang napatawa.

"Ikaw, kamusta yung taping niyo?" tanong niya.

"Okay lang naman." sabi ko sabay subo ng kwek-kwek.

Napatigil ako sa pag-nguya nang makita ko siyang nakatingin sakin, nilunok ko bigla yung kinakain ko. "May problema ba?" tanong ko.

Umiling siya. "Wala naman. Hanggang ngayon kasi, nagtataka ako. Bakit parang matagal na kitang kilala? Eh, kahapon lang naman kita nakilala." sabi niya.

Gusto kong sabihin, "Boyfriend mo kaya ako, eight months na nga tayo eh. Wag mo nang alalahanin yung first monthsary natin. Nag-celebrate tayo ng second monthsary sa Griffith Park somewehere in Los Angeles, California. Tapos, cinelebrate ko mag-isa yung monthsary natin sa ospital dahil nandun ka, nakahiga sa kama, tulog na tulog at mukhang walang balak magising. Nakahiga ka dun dahil sakin. Nakita ko kasi kayo nung bestfriend mo na may gusto sayo at pinagseselosan ko na magkayakap kaya, sumakay ulit ako sa kotse ko. Hinabol mo ko, ang bilis mo pa ngang pinaandar yung kotse mo nun eh. In-overtake mo ko bigla kaya nabangga kita. Walang wala ako nung mga panahon na yon dahil nakikita kitang nakahiga sa kama ng walang malay at puro benda at sugat ang nasa katawan mo. Pinuntahan kita sa ospital nung birthday mo. Tapos nung sunod na pumunta ako sa ospital, wala ka na don. Wala na yung mga gamit mo dun sa kwarto. I tried looking for you pero nahihirapan ako because I'm a famous celebrity, madali akong makilala ng mga tao. Then one day, nakita kita dito sa Batangas. Sa araw ng monthsary natin. Niyakap kita, pero nasaktan ako ng sobra dahil imbis na yakapin mo ako pabalik, hinayaan mo lang ako tapos sabi mo, hindi mo ako kilala. May amnesia ka pal...."

"Jake! Huy, tulala ka na diyan?"

Nawala ako sa pagiging tulala ng tapikin niya ang magkabilang pisnge ko. I shaked my head out of frustration.

"Okay ka lang? Gulaman oh." sabi niya sabay abot ng gulaman. Uminom naman ako.

"Sorry, naalala ko lang yung girlfriend ko." sabi ko at pinunasan yung pawis ko.

"Bakit? Sino ba girlfriend mo?" Ikaw. "Ano bang nangyare? Nag-away ba kayo? Nag-break na ba kayo?" Hindi, hindi tayo nag-away. Hindi rin tayo nag-break. Its just that, kasama kita ngayon, pero hindi mo alam na girlfriend kita dahil may amnesia ka.

"Hindi naman, so close yet so far nga lang ang peg namin eh." sabi ko.

"I don't mean to be nosey pero, bakit?" tanong niya.

"Hay, ano kasi.. Ay basta. Saka ko nalang sasabihin sayo." sabi ko at sinubo ang huling kwek-kwek na nasa baso.

Tumayo siya at padabog na tinapon yung baso't stick na hawak niya tapos humarap siya sakin nang nakasimangot.

"Anong problema?" tanong ko.

"Nakakainis ka kasi eh. Hindi mo tinuloy yung sa girlfriend mo. Ang ayoko pa man din, eh yung nabibitin ako." sabi niya. She crossed her arms and pouted her lips like a 5-year-old kid.

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon