MPB - 39

1.8K 41 3
                                    

CHAPTER 39

EMMAN'S POV

Nagising ako dahil sa malakas na ring ng cellphone ko. Sino ba namang matinong tao ang tatawag ng ganito ka-aga? Tinignan ko ang oras, 7am palang naman.

Bee calling...

Dali-dali ko namang pinindot ang answer. Mahirap na kapag di ko agad nasagot yung tawag niya, mababaw pa naman yung babaeng yon.

Emman: ["Bee, napatawag ka?"]

Tricia: ["Goodmorning rin, bee."]

Emman: ["Ay, sorry. Hehehe, kakagising ko lang eh. Goodmorning! Kamusta ka na?"]

Tricia: ["Malapit na ko sa inyo, bee. I'll see you later, ha? I miss you, byeeee!"] sabi niya at in-end call na.

Hay nako, kokontra pa sana ako eh. Kaso, malapit na nga pala siya. Malayo rin naman ang pinanggalingan niya.

Pumasok ako sa banyo at nag-hilamos. Nag-toothbrush na rin ako. Nakakahiya naman kung mabaho pa ang hininga ko pagkadating ng girlfriend ko.

Dahan-dahan akong bumaba papunta sa salas. Medyo inaantok pa kasi ako kaya medyo nakapikit yung mata ko.

Dumeretso ako sa kusina at uminom ng tubig. Nanunuyot kasi yung lalamunan ko kaya masakit. Habang umiinom ng tubig, napatingin ako sa may sofa na dahilan ng pagkabuga ko ng tubig na iniinom ko.

Ano ba naman to? Akala ko naman, nandun si ate sa kwarto niya. Andito pa pala sa sala, kasama pa si Jacob!

Kung babae lang siguro ako, kilig na kilig na ko sa nakikita ko ngayon. Pano ba naman kase. Si Jacob, naka-akbay kay ate, tapos nakasandal pa yung ulo niya sa balikat ng kapatid ko. Si ate naman, parang sinandal yung ulo niya sa ulo ni Jacob. Ang cute nila, bwiset nababading ako.

Kinuha ko yung cellphone ni Jacob na nakapatong sa lap niya at pinicture-an silang dalawa. Medyo marami akong kinuha kaya panigurado. Kahit idol ko si Jacob, alam kong kikiligin tong gagong to.

Binalik ko sa lap niya yung cellphone niya tapos kinuha ko naman yung akin. Lumayo ako ng konti sa kanila tapos lumuhod ako para makunan ko sila ng maayos.

Iki-click ko na sana nang biglang bumukas yung pinto. Bwiset, hindi naka-lock? Dali-dali naman akong nag-'shh' sa kanya tapos tinuro ko yung dalawa sa sofa. Nanlaki naman yung mata niya tapos nag-peace sign.

Pinalapit ko siya sakin tapos hinalikan siya sa pisnge. Sinenyasan ko siya na pigilang mag-ingay para hindi sila magising.

"Nagka-balikan na sila, bee?" mahinang tanong niya.

"No, hindi pa. Hindi pa rin nakaka-alala si ate pero friends lang ang status nila ni Jacob ngayon." sagot ko kaya tumango-tango siya.

"Teka, ako rin. Gusto ko rin silang picture-an." sabi niya tapos nilabas rin yung cellphone niya. Napatawa naman ako ng mahina.

Kahit nagkalayo na pala kami ng babaeng to, partners-in-crime pa rin kami.

SAM'S POV

Nagising ako dahil sa naririnig kong mahihinang hagikgik. Minulat ko ng kaunti yung mata ko at nakita ko si Tricia at Emman. Wait, are they....

"Hoy! Anong ginagawa niyo?!" pasigaw kong tanong kaya nagising si Jake. Napasapo naman ako ng noo nang maalala ko, nakapatong nga pala ulo nito sa balikat ko. Tanga, Kathryn. Nagising siya dahil sa sigaw mo.

"Oh my god, Jake. Sorry, nakalimutan ko." sabi ko. Mas lalo naman akong na-guilty nang makita kong minasahe niya yung sentido niya tapos kumunot yung noo niya. Oh.My.Gosh.

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon