MPB - 31

2.1K 46 2
                                        

CHAPTER 31

SAM'S POV

"Two weeks ago, napalibutan ng medias ang sikat na artistang si Jacob Alcantara sa airport, kasama ang kanyang mga kaibigan at nililigawan na si Sam Ronquillo. Napag-alaman na galing sila sa maikling bakasyon sa Los Angeles, California. Ayon sa twitter, may nakakita sa aktor at sa modelo na magkayakap sa Griffith Park. Mayron ding nakakita na sila ay nag-kiss umano sa lips. May relasyon na nga ba sa aktor at sa modelo?"

***

"Matapos ang ilang buwang pananahimik at pag-ilag sa mga interviews, inamin na ng Popular Bachelor ng bansa na si Jacob Alcantara na sila na ng famous model na si Samantha Ronquillo. Sa interview sa kanya ng Star Studio, inamin ng aktor na meron nga, confirmed! May relasyon sila, at inlove siya sa model na si Samantha."

"Sa magazine interview rin na kinwento ni Jacob, kung anong nangyari sa likod ng pagkahulog ng damdamin niya kay Samantha."

"Jacob Alcantara, inaming may relasyon sila ng gorgeous model na si Samantha Ronquillo."

"Grabe oh. Kayo ni Jacob yung laman ng balita." sabi ni Tiffany habang nililipat-lipat sa ibang channel yung tv.

Nandito kami ngayon sa apartment ko, nanonood ng tv. Kakauwi ko lang galing sa photoshoot sa Unisilver, kasama si Tiffany.

"Oo nga eh. Pano na yan? Hindi naman siguro ako matutulad sa mga sikat na artista no? Yung kapag pumunta sa mall, pagkakaguluhan." sabi ko.

"Pwedeng oo, pwedeng hindi. Lalo na't Bachelor ng bansa yang jowabelles mo." sabi niya.

I sighed. "Tara, mall tayo." pag-aaya ko tapos hinila siya patayo.

"Tanga, baliw ka na ba? Baka nga pagkaguluhan ka don!" angal niya.

"Eh, hindi yan! Hindi naman ako ganon kasikat para pagkaguluhan eh!" sabi ko.

"Hay, bahala na nga." sabi niya at kinuha yung bag niya tapos pumunta na kami ng mall.

Si DK ba kamo? Na-kay Ken. Kanya na daw muna. Ewan ko ba dun sa lalaking yon. Ipa-pasyal niya daw. Pumayag naman ako.

***

"Kitams, hindi naman ako pinagkaguluhan eh." sabi ko habang naglalakad kami sa loob ng mall.

"Oo, hindi ka nga pinagkakaguluhan. Pinagtitinginan at pinagbubulungan ka naman ng halos lahat ng nadadaanan natin." sabi ni Tiffany.

Napansin ko rin naman yon, na pinagtitinginan ako. Ang sama pa nga ng tingin nung iba sa akin eh. Fans siguro ni Jacob at Lianne.

"Foodcourt tayo, girl. Nagugutom ako." pag-aaya niya. Pumayag naman agad ako. Miss ko na kasing kumain nung pizza sa Sbarro.

Nang makarating kami sa foodcourt...

"Girl, si Sam oh! Lapitan natin, bilis!"

"Ay, oo nga! Baka kasama niya si Jacob!"

Dahil dun sa dalawang sumigaw na yon, halos lahat ng nasa foodcourt, nagsipagtinginan sakin.

Nanlaki naman yung mata ko ng ma-realize ko na palapit na sila sakin. Oh no! Magkakaron ng stampede!

"Tinutunganga mo diyan? Takbo na, bilis!" sabi ni Tiffany tapos tumakbo na kami.

Mabilis naman kaming nakasakay sa kotse ko at bumalik ng apartment ko. Pareho kaming naghahabol ngayon ng hininga.

"Ang kulit mo naman kasi eh! Sabi ko na nga ba, pagkakaguluhan ka don eh!" frustrated na sabi niya.

Napatungo ako. "Sorry." sabi ko sabay buntong hininga. "Hatid na kita. 5pm na rin oh. Baka may mga kailangan ka pang gawin." sabi ko at nag-drive papunta sa bahay nila.

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon