CHAPTER 7
TIFFANY'S POV
"IKAW?!"
"Magkakilala kayo?" tanong ni Jacob.
"Ako kilala ko siya. Ewan ko nalang diyan sa sira-ulong yan." sabi ko.
==========FLASHBACK==========
"Sam, samahan mo naman ako sa SM. Nawala kasi yung Konstitusyon ko nung 2nd year." pag-aaya ko. Kailangan kasi namin yon. Dahil pag wala kang ganon, minus points na, wala ka pang maisasagot sa quiz!
Nandito kami ngayon ni Sam sa parking lot. Kanina lang kami pina-uwi dahil may practice pa kami ng Sabayang Pagbigkas. ang dilim na nga oh. Tinignan ko ang relo ko and to my surprise, 7:45 na!
"Sorry, Tiffany. Pupunta daw kasi sila mommy sa apartment ko mamayang 9. Kaya, kailangan kong mag-prepare ng dinner. Matagal pa man din ako magluto. Hatid nalang kita, gusto mo?" alok niya.
"Hindi na. Uwi ka na. Ako nalang bahala dito. Ipag-hi mo nalang ako sa kanila kahit di pa nila ko kilala. Haha, bye!" sabi ko at hindi na sumabay sa kanya.
Habang naglalakad papunta sa terminal, may nakita akong lalaking tumatakbo na may hawak na ube ice cream! At hindi siya nakatingin sa dinadaanan niya! Gumilid ako pero gumilid din siya!!!
*BOOOOOGSH!*
"Ano ba naman yan! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!" sabi nung lalaki sakin. Aba't!
"Wow naman, ako pa ngayon tong hindi tumitingin sa dinadaanan ha?" sabi ko at pinagpagan yung damit ko.
Yeah. Nabunggo niya ko. Napa-upo ako dahil sa lakas ng pagkakabunggo niya sakin. BWISIT! HINDI NA NGA AKO TINULUNGANG MAKATAYO, AKO PA YUNG HINDI TUMITINGIN SA DINADAANAN!
"Tss. Bahala ka sa buhay mo." sabi niya at umalis na. ARGH! THE NERVE OF THAT GUY!
Nakita kong may makintab na thingy sa sahig kaya pinulot ko yon. Isa siyang singsing na may pangalang naka-engrave don.
'Diego'
Ah. Diego pala yung pangalan nung sira ulong yon. Nilagay ko nalang yon sa bulsa ko. Ang ganda kasi eh.
Maglalakad na sana ko nang may maramdaman akong malagkit na something sa may bandang tiyan ko. Tinignan ko kung ano yon. ARGH! MAY MANTSA YUNG UNIFORM KO!
Kinapa ko yung mantsa na yon. Color violet? Inamoy ko at... Amoy ube?
ANAK KA NGA NAMAN TALAGA NG ICE CREAM, OO!
Pano na to? Hindi pa naman ako mapakali ng may mantsa sa damit. Pupunta na ba ko ng SM? O, uuwi na muna ako sa bahay?
ARGH! UUWI AKO SA BAHAY!
Sabihin nang maarte pero ayoko talaga ng magmukha akong bata na walang pakialam sa mantsa sa damit!
==========THE NEXT DAY==========
"Enrile, mag-usap tayo sa labas." sabi ni Sir Solis. Sumunod naman ako sa kanya sa labas.
"B-bakit po, sir?" tanong ko.
"Hindi ko gusto ang score mo, Tiffany. Bakit wala pa sa kalahati ang score mo?"
"H-hindi po kasi ako nakabili ng Konstitusyon." sabi ko. Oo, hindi ako nakabili. Umuwi pa nga kasi ako para magbihis. Nung nasa jeep na ko, traffic! Pagkadating ko sa may SM, Close na.
Umiling si sir. "Ayoko nang maulit to, Enrile. 2nd honor ka ng batch niyo, kaya wag mong dumihan ang record mo. Pasok na."
"Opo." sabi ko at pumasok na. Lumapit naman agad sakin si Sam pagkapasok ko.
BINABASA MO ANG
My Popular Bachelor
FanfictionI'll do everything for him to be My Popular Bachelor.