CHAPTER 29
SAM'S POV
Mabilis na tumakbo ang oras, at pang-limang araw na namin dito sa Cali.
Nung first day namin, pumunta kami ng Universal Studios. Nung second day naman, sa Disneyland.
We even went to the Hollywood Bowl nung third day namin and watched Lady Gaga perform there.
Kahapon naman, pumunta kami ng Hollywood Citywalk. Para lang siyang Enchanted Kingdom na pinalaki. Nag-enjoy rin naman ako.
"Okay ka lang?" tanong ni Jacob sakin. Napansin niya siguro na kanina pa ko nakasimangot dito. Umiling ako.
Kumunot naman yung noo niya. "Bakit naman?"
Nandito kami ngayon sa kwarto. Hinahanda niya yung gamit na dadalhin namin mamaya pero ako, naka-upo lang dito sa kama, hinihimas yung ulo ni DK.
"Feeling ko kasi, first day palang natin dito eh. Pero yung totoo, pang-limang araw na. Two days nalang, babalik na tayo sa Philippines." sabi ko.
Narinig ko namang tumawa ang loko tapos naramdaman kong tumabi siya sakin. Pinalibot niya yung kamay niya sa bewang ko tapos pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko.
"Pwede naman tayong bumalik dito anytime eh. As long as hindi puno yung schedule natin." malambing na sabi niya.
"Hay, okay. Tara na." sabi ko at tumayo na.
Hinalikan niya ko sa pisnge. Nauna siyang lumabas, dala-dala yung mga gamit namin. Binulsa ko yung cellphone ko at nag-suot ng jacket bago lumabas ng room namin.
Ni-lock ko na yung pinto. Pagkatalikod ko, isang pink rose ang bumungad sakin. "For you." nakangiting sabi ni Jacob.
"Anong meron?" tanong ko. Nawala naman yung ngiti niya, pero ngumiti rin ulit siya. Eh? Baliw.
"Malalaman mo rin." sabi niya at inabot sa akin yung rose. Tinanggap ko naman yon at hinalikan siya sa pisnge tapos bumaba na kami sa lobby. Dun daw kami mag-intayan sabi ni Tiffany.
Nang makarating na kami sa lobby, isang dosenang pang-aasar naman ang natanggap ko mula sa kanila, except Alex dahil nginitian niya lang ako.
"Ayun, Samantha oh. Eight palang ng umaga, may rosas na agad. Anong oras ka gumising, Jacob?" sabi ni Tiffany.
Hinalikan naman ako ni Jacob sa pisnge kaya mas lalong umingay si Tiffany. Nagulat naman ako ng biglang magdabog si Ken, napatingin naman kami sa kanya.
"Pag ako talaga, nakahanap ng labidoo. Papatayin ko kayong lahat sa inggit! Tignan niyo, baka mamaya lang, may kasama na kong chicks pagkatapos ng surpri-----" naputol yung sasabihin niya dahil tinakpan ni Diego yung bibig ni Ken. Nakita kong nakatingin si Ken kay Jacob kaya tumingin na rin ako.
Ano bang problema? Bakit pinandidilatan ng mata ni Jacob si Ken? What is happening here?
"Uhm..Hehe. Tara na, guys. Matagal-tagal pa ang byahe natin papunta sa Griffith Park." sabi ni Diego tapos lumabas na kami ng lobby.
***
"Wow, ang ganda." sabi ko habang naglilibot kami ni Jacob dito sa Griffith Park.
Kaming dalawa lang ang magkasama. I mean, kaming tatlo lang nila DK. Hawak ko yung tali na naka-kawit sa leeg niya. Naghiwa-hiwalay kasi kami para daw hindi sayang ang oras. 4pm na rin kasi.
"Jacob." tawag ko sa atensyon ng boyfriend ko na kasalukuyang nakatingin sa kawalan. Pero hindi siya lumingon.
"Jacob!" sigaw ko na nakakuha ng atensyon niya. "May masakit ba sayo? Okay ka lang? Bakit ka sumigaw? May nambabastos ba sayo? Nasan na y----"
BINABASA MO ANG
My Popular Bachelor
FanfictionI'll do everything for him to be My Popular Bachelor.