CHAPTER 41
SAM'S POV
"Ate..." rinig kong sabi ni Emman habang niyuyugyog ako.
"Hmmm.. Emman, wag kang magulo. Inaantok pa ako." sabi ko sabay takip ng unan sa mukha.
"Ate, may bisita ka sa baba eh." sabi niya.
"Sabihin mo sa kanya, bumalik na lang siya mamaya. Inaatok pa talaga ako, I still need to rest." sabi ko.
"Ah, okay. Jacob! Umalis ka na muna! Bumalik ka nalang daw----" hindi niya na natapos yung sasabihin niya dahil tinakpan ko yung bibig niya.
"Si Jacob? Nandito? Sa bahay? Nasa baba?" sunod-sunod na tanong ko.
"Oo, swimming daw kayo. Niyaya nga rin ako eh, sabi ko kayong dalawa nalang. Kaso, ayaw mo eh. Tsaka, sabi mo, bumalik na lang siya mamaya. Sayang naman." sabi niya.
"Ugh!" reklamo ko at mabilis na tumakbo papuntang cr para mag-toothbrush at magsalamin kung maganda na ba ko. Nagsuklay ako ng kaunti bago ako bumaba para harapin ang bisita ko.
Bago ako bumaba, narinig kong nag-tsk ang kapatid ko pero hindi ko na lang pinansin yon.
Pagkababa ko, naabutan ko siyang naglalaro ng Clash of Clans sa iPhone niya. Nakikiauro rin pala tong lalaking to.
Hindi na muna ako nagsalita at pinagmasdan siya. He's really familiar. Ano bang nangyari sakin? Feeling ko, may memory loss ako.
After few minutes, naramdaman niya na rin na nakatayo na ako malapit sa kanya kaya in-exit niya yung nilalaro niya at tinago yung cellphone niya. "Good morning." nakangiting bati niya.
"Good morning rin." sabi ko at tumabi sa kanya.
May naalala naman ako nang maramdaman kong inakbayan niya ako habang naka-upo kami sa sofa at nagdadaldalan. Agad kong tinanggal yung braso niya na naka-akbay sakin.
"Ano ba, Jacob. May girlfriend ka, diba? Bakit andito ka? Hindi kaya magalit si Lianne nito? Or... ohmy gosh. Don't tell me, hindi niya alam na nandito ka? Oh no!" hysterical na sabi ko with matching hawak pa sa magkabilang pisnge.
Bahagya siyang napatawa. Nagtaka naman ako. "Bakit ka tumatawa? Tama naman yung sinabi ko ah? Pano kung malaman niya na nandito ka sa bahay namin? Nag-aaya ka pa. Shunga ka ba? Baka mag-break pa kayo niyan! Ayokong maging third party." sabi ko.
Nilagay niya yung kamay niya sa bewang niya, nakapamewang siya. "Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi ko naman girlfriend si Lianne no. Bakit ko naman gagawing girlfriend yon? Eh mas masahol pa sa sobrang arteng babae yun eh." sabi niya.
"Ows? Talaga, hindi kayo? Eh ano yung 'I love you' text niya kahapon sayo?" tanong ko.
Tumawa ulit siya. Aba, kanina pa ako tinatawanan ng lalaking to ah. "Ewan ko sayo, bahala ka na nga diyan. Matutulog ulit ako." sabi ko. Aakyat na sana ako kaso nahawakan niya yung braso ko tapos hinila niya ako.
"She's not my girlfriend, Kath. Yung 'I love you' na nasa text niya kahapon, it was from her 8-year-old sister, Lily. Kaya nga may '-Li' sa dulo eh." sabi niya. Namula naman ako dahil don.
I felt embarrassed..
***
"Kumpleto na ba yung gamit mo? Wala ka nang nakalimutan?" tanong niya pagkasakay na pagkasakay namin ng kotse niya.
"Yes. Kumpleto na, wala na akong nakalimutan." sabi ko sabay ngiti.
Ngumiti rin siya. "Okay then, let's go." sabi niya tapos nagsimula na siyang mag-drive.

BINABASA MO ANG
My Popular Bachelor
FanfictionI'll do everything for him to be My Popular Bachelor.